ni MC - @Sports | July 26, 2022
Nagtala si Filipino pole vaulter EJ Obiena ng bagong personal na best at Asian record tungo sa pagsungkit ng bronze medal sa 2022 World Championships sa Eugene, Oregon kahapon.
Nalundag ng 26-anyos na si Obiena ang 5.94 meters sa final vault ng Hayward Field ang lampasan ang dating record na 5.93 meters na kanyang naitala sa Innsbruck, Austria noong September 2021.
Siya ang unang Pinoy athlete na nagwagi ng medalya sa world championships. Ang six-meter mark ay unang hindi pa naabot ni Obiena, gayunman sa pangatlo niyang pagtatangka ay nalusutan niya ang bar.
Gintong medalya ang napunta kay Swedish superstar Armand Duplantis sa record-setting performance, nalundag ang 6.21 meters sa ikalawang tangka para sa sariling marka.
Silver medal naman ang napunta kay American Chris Nilsen sa mismong kanyang balwarte. Nalundag di niya ang 5.94 meters sa isang tangka pa lamang. Pero si Obiena ay kailangan pa ng ikalawang tangka para maabot ang taas.
Naiselyo ni Obiena ang bronze matapos na mabigo ang kanyang training partner na si Olympic champion Thiago Braz na malundag ang six meters na una at huling attempt sa height. Dalawang beses nabigo si Braz para malundag ang 5.94 meters at naireserba ang huling subok para sa six-meter mark.
May kabuuang 32 pole vaulters ang naglaban sa world championships, kabilang na si dating record holder Renaud Lavillenie ng France na tumapos na katapat sa 5th matapos malundag ang season-best 5.87 meters.
Parehong na-clear nina Obiena at Braz ang 5.87 meters sa unang subok, habang sina Duplantis at Nilsen ay sumablay sa marka sa unang lundag sa bar. Pero nagtagumpay sa sumunod na subok.
Comments