Obiena, ginto sa Germany qualified sa World C'Ships
ni Gerard Arce - @Sports | August 25, 2022

Matagumpay na nasungkit ni 2020+1 Tokyo Olympian at 2022 World Championship bronze medalist Ernest John Obiena ang gintong medalya sa 26th Internationales Stablocjsprung-Meeting sa Jockgrim, Germany ng talunin ang 5.81 meters para daigin si Olympic runner-up Christopher Nilsen ng Estados Unidos.
Naging maganda ang panimula ng Asian record holder para sa pitong pangunahing kompetisyon sa ikalawang parte ng season para sa third placer ng Oregon, Eugene World Athletics Championship.
“Great start for the second part of the season. We got the gold and then got the standard for next year’s World Champs in Hungary,” wika ni Obiena sa kanyang Facebook post, kung saan nagbalik sa alaala ang paglahok sa naturang torneo na isa sa mga unang sinalihan noong 2016 “Fun Fact: Stanbhocksprungmeeting was one of my first European Meets back in 2016. I jumped in the B-meet with 5.30 and was partnered with @allisonstokke Thank you @hellmanngunther for having me back in 2016 and present,” dagdag ng 2019 Universiade champion na nagawa ring makuha ang isang puwesto sa World Championship sa Hungary sa susunod na taon kasunod ng pagkuha sa standard jump na 5.81-m.
Dinaig ng 26-anyos na two-time Southeast Asian Games champion at record holder ang Tokyo Summer Games silver medalist na si Nilsen na kinapos lang sa 5.71 meters matapos kapusin sa 5.81-mark ng tatlong beses, habang nakuha ang final mark sa ikalawang pagsubok. Tumapos din sa parehong talon si Kurtis Marschall ng Australia kasunod si Bo Kanda Lita Baehre ng Germany.





Comments