top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

NXLED nagpakabog agad sa unang laro ng PVL

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 16, 2023
1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | October 16, 2023




Mga laro sa Martes – Araneta

3 p.m. Chery Tiggo vs. Farm Fresh

5 p.m. F2 Logistics vs. Akari

7 p.m. Petro Gazz vs. Galeries


Nagpakilala ng mabuti ang bagong koponan na NXLED sa pagbubukas ng 2023 Premier Volleyball League (PVL) 2nd All-Filipino Conference Linggo ng hapon sa Araneta Coliseum. Binigo ng Chameleons ang Gerflor Defenders, 25-18, 25-14 at 25-19 upang makauna sa 12 kalahok.

Magandang simula ay sapat para sa Chameleons at tumalon sa 18-8 lamang sa unang set kahit natapyasan ng Gerflor ang agwat. Pareho ang kwento sa pangalawang set at nagtayo ang NXLED ng malaking lamang.

Nagpasikat ng todo si Lycha Ebon sa kanyang 14 puntos habang may 11 si Jho Maraguinot. Tig-pitong puntos ang trio nina Krisch Macaslang, May Luna at Judith Abil.

Itinatak ng Chameleons ang kanilang dominasyon sa lahat ng numero. Siyam na puntos lang ang nagawa ni Pia Sarmiento para sa Defenders at sinundan ni Danika Gendrauli na may pito.

Kahit nakatikim ng 11-10 lamang ang Defenders, determinado ang Chameleons na walisin ang laro at bigyan ng regalo ang kanilang coach Taka Minowa sa kanyang unang laro sa PVL. Si Coach Minowa ang asawa ni dating PVL MVP Jaja Santiago at may karanasan gumabay ng mga club sa Tsina at kanyang bansa Japan.

Maglalaro ng single round o tig-11 beses ang bawat koponan. Gaganapin ang mga laro tuwing Martes, Huwebes at Sabado na ilalaan para sa mga palaruan sa labas ng Kalakhang Maynila.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page