top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Number 1 sa survey ng Pulse Asia ni Pacman, weh ‘di nga?!

  • BULGAR
  • Oct 14, 2021
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | October 14, 2021


Tahimik lang ang kampo ni Sen. Manny Pacquiao sa gitna ng patutsadahan nina VP Leni at Mayor Isko.


Nanonood lang siya sa bangayan ng kanyang mga karibal!


◘◘◘


MARAMI ang nasorpresa sa pinakahuling resulta ng opinion survey na inilabas ng Pulse Asia.


Alam ba ninyong nanguna sa naturang survey si Pacman?


◘◘◘


SINUKAT ng naturang survey ang “trust rating” ng mga aspirante sa pagkapangulo sa punto de-bista ng isyu sa korupsiyon.


Halos sa lahat ng rehiyon ay nakaiskor nang mataas si Pacquiao!


◘◘◘


KUMBAGA, tinanghal na most trusted ang 8-division champion kumpara sa ibang presidentiables.


‘Eto ang ginamit sa questionnaire: “In your opinion, who among the following probable presidential candidates will not steal from the government?”


◘◘◘


HALOS porsiyento ng respondents ay nagsabing hindi magnanakaw sa kaban ng bayan si Pacquiao.


Sumunod sa kanya si Mayor Sara na may 12 percent!


◘◘◘


KUNG susuriin natin, may positibong impresyon at may tiwala kay Pacquiao ang mga tao na hindi ito mag-iisip at gagawa ng pagnanakaw sa kaban ng bayan.


Ang larawang ito ni Pacquiao ay mahirap makita sa sinumang kandidato ngayon at sa nagdaang pang mga eleksiyon!


◘◘◘


DAHIL relihiyoso si Pacquiao kahit pa sabihing aktibo siya sa isang sektang Kristiyano, mahalagang kuwalipikasyon sa isang lider ang pagkakaroon ng malinis na budhi.


Ang malinis na konsensiya ay isa nang napakalaking kuwalipikasyon na wala sa sinumang presidentiable!


◘◘◘


KAKAMBAL ng malinis na budhi ang mataas na reputasyon at pagkilala hindi lang ng ordinaryong mamamayan, bagkus ay ng mga popular na lider sa daigdig.


Tulad ng ordinaryong Pinoy, may matayog na reputasyon si Pacquiao dahil binigyan siya ng paggalang mismo nina ex-US President Bill Clinton; ex-President Barrack Obama; Incumbent President Joe Biden.


◘◘◘


SA totoo lang, maging si Prince Harry ng England ay malaking ang paghanga kay Pacquiao bukod pa ang mga pinakadakilang sports leader ng daigdig, partikular sa larangan ng boxing.


Kung tutuusin, ngayon lang makakaboto ang ordinaryong tao ng kandidato na tunay na idinadakila sa buong daigdig at may malinis na budhi!


◘◘◘


AKTUWAL na bayani si Pacquiao sa modernong panahon at mahirap nang pantayan pa ninuman ang kanyang nagawa sa Pilipinas sa pag-angat sa mapa ng daigdig.


Napakasuwerte ng mamamayan ngayon, lalo na ang kabataan dahil mabibigyan sila ng pagkakataong maisulat sa balota ang pangalan ng “buhay na alamat” at isa sa pinakadakilang lider ng daigdig sa hinaharap!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page