top of page
Search
  • BULGAR

Nu'ng una, kotse… DIWATA, BINIGYAN NG RICH BUSINESSWOMAN NG HOUSE AND LOT

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 7, 2024



Showbiz Photo
Photo: Diwata Pares Overload

Phenomenal ang biglang pagsikat ng paresan ng online sensation na si Diwata (Deo Jarito Balbuena ang real name) mula nang nag-viral sa social media ang kanyang negosyong Pares Overload. Dinudumog kasi kahit gabi na ang kanyang paresan sa Pasay at halos lahat ay gusto siyang makita at makasama.


Maging ang ilang sikat na vloggers o influencers ay nag-uunahan para makasama siya sa vlog. Bumuhos ang maraming ayuda kay Diwata dahil may ilang negosyante ang nagbigay sa kanya ng cash at nag-donate ng chairs, tables at tolda para sa kanyang puwesto. 


May isang car company ang nagregalo sa kanya ng brand new car. Pero, wala nang kakabog pa sa ibinigay ng sikat na vlogger-businesswoman na si Rosmar Tan na isang house and lot at P1 million cash. Ito ay pantulong daw sa negosyo ni Diwata.


Well, nang mag-guest naman si Diwata sa show ni Toni Gonzaga ay binigyan siya ng P350 thousand. 


Samantala, dumalaw din sa paresan ni Diwata sina Alex Gonzaga, Arnell Ignacio at Keana Reeves. Kinuha rin si Diwata upang mag-guest sa Batang Quiapo ni Coco Martin.


Araw-araw ay bumubuhos ang mga biyaya kay Diwata, kaya naman nag-expand na ang kanyang paresan. 


May ilang netizens naman ang nakaalala na 5 years ago, sumali si Diwata sa Q&A segment ng It’s Showtime. May boyfriend daw siya na dumadalaw lang sa kanya kapag araw ng suweldo niya sa pinapasukang construction company at dati pala ay nangangalakal lang si Diwata bago napasok na construction worker. 


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page