top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Nu'ng problemado, todo-pasaklolo sa TV host… KRIS, DEDMA KAY WILLIE

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 27, 2023
3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | February 27, 2023




Aware kaya si Kris Aquino sa pinagdaraanan ngayon ng kaibigan niyang si Willie Revillame?


Malapit kasing magkaibigan sina Kris at Willie, laging nakaalalay ang huli sa una sa panahong marami siyang pinagdaraanan noong nandito pa siya sa Pilipinas.


At higit sa lahat, sobrang mahal ng Wowowin host si Joshua at dinadalaw pa nga niya ito sa bahay at isinasakay pa sa sports car na paborito ng panganay ni Kris.


Alam naman ng lahat na problemado ngayon ang Wowowin host dahil sa desisyong ipahinto ang ilang programang umeere sa AllTV at kasama na ang game show ni Willie.


Bukod dito ay nakatanggap ng bashing si Willie sa ginawa niyang panunumbat sa mga taong nabigyan niya ng tulong noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic at nagkaroon pa sila ng gusot ng itinuring niyang ‘Inay’ sa showbiz na si Nanay Cristy Fermin dahil isinumbat nito ang condo unit at bagong sasakyan na ibinigay daw niya, na pinaghirapan naman pala ng huli dahil sa mga nagawang tulong nu'ng makapasok siya sa TV5 at iba pa.


Anyway, kaya namin naitanong kung aware ang mama nina Joshua at Bimby sa mga nangyayari ngayon kay Willie ay dahil ito ang tanong ng madlang pipol kina ‘Nay Cristy, na tinalakay nila sa Showbiz Now Na vlog na in-upload nu'ng Linggo nang hapon.


Bungad ni ‘Nay Cristy, “Una na po ang pagtatanong ng mga kababayan na sa gitna po ng mga nagaganap na paghamon sa buhay ni Willie Revillame, may isang tao po silang hinahanap, nasaan na raw si Kris Aquino?”


Sabi kaagad ni Rommel Chika, “Oo nga ano? Natatandaan natin na si Kuya Wil pa ang nagpu-push kay Kris Aquino para makapasok sa GMA.”


Salo ni Nanay Cristy, “Noong mawalan siya ng show sa ABS-CBN.”


“Opo, sa panahong lugmok na lugmok si Kris Aquino na gusto talagang makapagtrabaho at makabalik (ni Willie sa telebisyon),” sabi pa ni Romel Chika.


Ginawa raw lahat ni Willie para makapasok si Kris sa GMA-7 pero hindi nito napa-oo ang mga executives ng Kapuso Network.


Nabanggit din na noong nasa Kapamilya Network pa sina Kris at Willie ay nasa dressing room ng huli ang magkapatid na Joshua at Bimby habang nagte-taping ang mama nila.


“Saka sabi pa ni Kris na si Willie ang gustung-gusto niyang personality kasi 'Naging presidente ang mommy, naging presidente ang brother ko, wala siyang hininging anumang pabor.’"


Sundot ni Romel Chika, “Nasaan ngayon si Kris?'”


Naalala pa ni ‘Nay Cristy na sa panahon ng pandemya ay nag-stay pa sina Kris sa bahay ni Willie sa Mindoro at isinakay sa chopper papunta at pabalik ng Maynila pagkatapos ng mahigit isang buwang pananatili.


“Pero malakas ang kutob ko na mayroon silang personal na komunikasyon. Knowing Kris, kung totoong may komunikasyon sila na ganyan, hindi siya makatitiis na hindi i-IG, ipo-post niya ‘yun,” saad ni 'Nay Cristy.


Opinyon naman ni Romel Chika, “Nakakalungkot lang na ito ‘yung mga panahong pagtanaw sana kay Kuya Wil.”


Dagdag ni ‘Nay Cristy, “Importansiya ng pagkakaibigan. Kasi nga, sa lahat ng panahon, sabi nga ni Kris, magkaibigan sila ni Willie kasi nga walang hininging pabor kaya gustung-gusto niya si Willie.”

Nasambit din ni Romel Chika, “Sana lang, sa IG post ni Kris, sabihing, 'Nandito lang kami, Wil.' Mga ganu’n-ganu’n.”


Dagdag pa ni 'Nay Cristy, “'Yung maramdaman mo lang na sa gitna ng kadiliman ay may nagbibigay sa iyo ng ilaw. Sabi nga, kahit kandila lang basta’t may liwanag kang nakikita.”


Sa ganang amin, bilang matagal na panahon na rin naming kakilala si Kris ay posibleng nagkausap na nga sila ni Willie. Pero, baka hindi pa inilalabas ng una kung ano ang napag-usapan nila dahil ine-enjoy muna niya ang kanyang birthday month habang nasa tabing-dagat silang mag-iina with friends.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page