top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nu'ng ikinasal, nanghiram lang… NEIL, VALENTINE GIFT KAY ANGEL ANG WEDDING RING NILA

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 15, 2022
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 15, 2022




Simpleng Valentine message, pero tagos sa puso ni Angel Locsin ang pagbati sa kanya ng asawang si Neil Arce kahapon, Valentine's Day.


Sa Instagram ng businessman-producer, may ipinost siyang larawan ni Angel at nilagyan niya ito ng cute caption: "Wala ka nang choice, kasal na tayo, may date ka na tuwing Valentine’s. I love you!"


'Kaaliw naman ang sagot ng actress sa kanyang loving mister, "Ok, legit na."


Marami namang kinilig sa simpleng greetings ng celebrity couple.


"Happy Valentine's Day po," pagbati ng mga ito sa mag-asawa at ang iba naman ay mga heart emojis ang komento.


Nag-advance celebration ang celebrity couple kung saan ipinost ni Angel ang mga larawan ng kanilang pre-Valentine's date.


Hmmm… kaya ba nasabi ni Neil sa caption ng larawan ni Angel na siya lang ang makaka-date nito tuwing Valentine's Day ay dahil na-threat siya sa isang guy na ipina-drawing ang face ng aktres sa thigh nito?


Nag-react si Angel at itinag niya si Neil. Nang makita ni Neil ang video clip, agad ding nag-react ang producer-director at nagkomento, saying "Challenge accepted."


Sa pre-Valentine's date ng celebrity couple, ibinigay ni Neil ang special surprise gift sa kanyang misis — ang wedding ring nila, na ipinost naman ni Angel sa socmed.


Matatandaang walang nakahandang wedding ring ang celebrity couple nang magpa-civil wedding sila last year, July 26, kung saan ang nag-officiate sa kanila ay si Taguig Mayor Lino Cayetano.


Nanghiram lang si Neil that time ng singsing sa kanyang anak.


Pero ngayon, ayan, suot na ni Angel ang wedding ring nila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page