top of page

Nu’ng binata pa, wala raw ipon… DENNIS, PROUD NA MAY PERA NA DAHIL KAY JENNYLYN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 11 hours ago
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | October 30, 2025



FRANKLY-DENNIS, PROUD NA MAY PERA NA DAHIL KAY JENNYLYN_FB Dennis Trillo

Photo: FB Dennis Trillo



Sobrang thankful ni Dennis Trillo sa misis na si Jennylyn Mercado dahil napakagaling daw nitong humawak ng pera.


Sa interview niya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) nitong nakaraang Monday, inamin ng aktor na noong binata siya ay hindi siya marunong humawak ng kanyang pera.


“Noon pong wala pa po akong asawa, masasabi ko na hindi talaga ako magaling humawak sa mga finances ko dahil mahilig akong mag-share. Minsan, wala nang natitira talaga sa ‘kin,” sey ni Dennis.


Kaya naman napakasuwerte raw niya na naging asawa niya si Jen.

“Nu’ng nagkaasawa naman ako, ang suwerte ko na si Jennylyn, napakagaling talagang humawak sa pera kaya ‘yun, sobrang thankful ako sa kanya at malaking pagbabago ‘yun sa buhay ko at sa buhay naming pamilya,” aniya.


Ibinahagi rin ni Dennis na bukod sa may joint savings account sila ni Jen, may kani-kanya rin silang individual savings account sa bangko. Ang lahat daw ng bills nila ay nakabukod din at ang misis niya ang nag-aasikaso nito.


Nang tanungin kung ano ang pinakamahalagang leksiyong natutunan niya sa pagmamahal, ayon sa aktor, ito raw ay ang pagbibigay ng oras sa iyong partner.

“‘Yung pagbibigay ng oras talaga sa bawat isa. Hindi ka man makapagbigay ng oras na mahaba kung minsan dahil sa trabaho, kailangan mo lang i-make sure na ‘yung quality ‘yung importante. ‘Yung quality ng oras na pinagsasamahan ninyo,” pahayag ng aktor.



BUONG-NINGNING na ifinlex ni Lovi Poe ang kanyang postpartum body matapos ang dalawang linggo mula nang makapanganak siya sa first baby nila ng mister na si Monty Blencowe.


Sa reel na ipinost ng aktres sa kanyang Instagram account ay makikita ang kanyang figure noong kabuwanan niya at noong makapanganak siya.


“Last week of pregnancy vs 2 weeks postpartum,” ani Lovi.

Halos lahat ng netizens ay na-shock dahil parang hindi nanganak ang aktres dahil super slim pa rin siya. Maging ang mister niya ay nag-reply ng fire emoji bilang paghanga sa kanya.

Sey ng mga netizens…


“‘Kakaloka… Parang walang nangyari! Waaaaaaa!!! How to be you my dear @lovipoe (heart emojis). More beautiful than ever,” papuri ng isang netizen.


“Na para bang wala namang nangyari at isang Halloween costume lang ang pagbubuntis ng babaeng ito!” reaksiyon naman ng isa pang follower.

“2 weeks postpartum?? Grabe! (fire emoji) While here am I, 2 years postpartum pero ang laki pa rin ng tiyan…”

“Ewan ko sa ‘yo, @lovipoe, nakakainis. Huhuhu! Ba’t ganyan ka?” 


Kamakailan lamang ipinakita ni Lovi Poe sa publiko ang kanyang newborn baby. Ibinahagi niya ang video na karga-karga niya at inihehele ito.

“The moment I met you, instinct took over. Welcome to the world, my love,” caption ng aktres.


NAGPAKITA ng panibagong buwis-buhay na action stunts si Coco Martin sa Kapamilya teleseryeng FPJ’s Batang Quiapo (BQ) para iligtas ang karakter ni Christopher de Leon na nasa bingit ng kamatayan.


Isa sa mga itinampok sa maaksiyong eksena ang paglambitin nina Coco at Christopher sa isang mataas na gusali habang nakatali sa kadena at nakikipagbarilan.


“‘Yung challenge namin dito is how to come up with a new setup na magiging exciting para sa audience. Ang challenging dito, more than the action scenes mismo, is the execution ng stunts,” kuwento ng isa sa mga direktor ng serye na si Richard Somes sa behind-the-scenes video na inilabas ng CCM Film Productions.


Sa kasalukuyang takbo ng kuwento, nagtagumpay si Tanggol (Coco) sa pagligtas sa ama niyang si Ramon (Christopher) matapos itong dukutin ng grupong Red Phoenix. Sa kabila ng patibong ng kalaban, mag-isang napatumba ni Tanggol ang sangkatutak na armadong lalaki bago dumating ang tropa upang tulungan sila sa pagtakas.


Matapos ang matinding balakid sa kanilang buhay, pinaplano na nina Tanggol at Ramon ang pagkamit ng hustisya. 


Sa ngayon, uunahin nila ang paghihiganti laban sa mortal nilang kaaway na si Divina (Rosanna Roces) at ang makapangyarihang Pamilya Guerrero.


Samantala, maniningil na rin ng katarungan si Ponggay (Maris Racal) sa nagbabadyang paghaharap nila ni Rockyboy (Baron Geisler), ang tao sa likod ng karumal-dumal na pang-aabuso kay Dimples (Criza Taa) na ngayon ay nag-aagaw-buhay sa ospital.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page