top of page

Novino at Napoles, bida sa judo ng Martial Arts Fest

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 16, 2022
  • 1 min read

ni VA / MC - @Sports | November 16, 2022



ree

Bumida sina Sophia Nicole Novino at Rhian Napoles sa kani-kanilang weight categories sa judo ng 8th Philippine Sports Commission Women’s Martial Arts Festival na idinaraos sa Philippine Judo Federation training gym sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.


Nanguna si Novino, ang sophomore ng National Academy of Sports sa women’s -44kg division matapos umiskor ng ippon win (1-0) kontra Mikeighla Louise de Vera ng Baguio Judo Club habang si Gabrielle Lorine Dizon at Princess Maurine Villafranca ang naka-bronze medals.


Ang 6-day event ay bahagi ng unang preparasyon ng bansa para sa 6th Asian Indoor Martial Arts Games sa Bangkok, Thailand sa 2023, eksaktong 365 na araw matapos ang closing ceremony ng WMA Festival sa Huwebes.


Ang iba pang gold medalists sa judo ay sina Analyn Dino (-52kg), Samara Nina Vidor (-57kg), Maegan Motilla (-63kg), Raphaela Estrada (-70kg) at Francesca Michaela Roces (+70kg).


Sa Rizal Memorial Coliseum, nagpakitang husay din sina national wrestlers Jiah Pingot at Grace Loberanes. Tinalo ni Pingot si Lady May Carabuena ng Mandaluyong City para sa gold medal sa freestyle -53kg senior habang ginapi ni Loberanes si Kimberly Jhoy Bondad sa traditional wrestling 57kg.


Nakaginto rin sina Cathlyn Vergara (classic 52kg), Mary Jhol Cacal (58kg), Jean Mae Lobo (63kg), junior grapplers Melissa Tumasis (52kg), Nicole Pinlac (58kg), Rhea Cervantes (63kg), Amber Arcilla (57kg at Nashica Tumasis (freestyle 53kg).


Habang isinusulat ito ay idinaraos ang kompetisyon sa arnis habang ang sambo, taekwondo at muay ay magsisimula sa Miyerkules.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page