top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Not once but twice pa! KASALANG HEART-CHIZ, JESSY-LUIS, SABAY NGAYONG FEB. 15

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 15, 2024
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 15, 2024



Sabay ang renewal of vows ngayon nina Heart Evangelista-Sen. Chiz Escudero at Jessy Mendiola-Luis Manzano. 


Matatandaang sa Balesin Island ginawa noon ang bonggang kasal nina Heart at Sen. Chiz na dinaluhan ng ilang kaanak at mga kaibigan. 


At dahil may gap pa noon ang mag-asawa sa parents ng bride, hindi dumalo sa kanilang kasal ang mga magulang ni Heart. Ang kanyang kapatid na babae ay may sulat lang ng pagbati mula sa dad ni Heart.


Pero ngayon, dahil maayos na ang lahat, tiyak na darating ang parents at mga kapatid ni Heart sa kanilang renewal of vows ni Sen. Chiz.


Samantala, sina Jessy Mendiola at Luis Manzano ay magkakaroon din ngayon ng church wedding tulad ng naipangako noon ng huli sa kanyang misis. 


Pangarap kasi ni Jessy na makasal sa simbahan. Pero nauna nga ang kanilang garden wedding sa San Benito Farm sa Batangas nu'ng panahon ng pandemic.


At tumupad naman si Luis sa pangako na magpapakasal silang muli sa simbahan. Mga pamilya lang ang sasaksi sa kanilang church wedding. 


Ang tanong ng mga netizens, iiyak kayang muli sa kanilang kasal si Luis Manzano?


Well, wala nang mahihiling pa sina Heart at Jessy dahil hindi lang once but twice silang pinakasalan ng kanilang mister. 


Mapapa-SANA ALL na lang ang iba pang showbiz couples na hindi pinalad na magtuloy sa forever ang pagsasama. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page