Not once but twice na… ERIKA AT KOBE, INA-UNFOLLOW ANG ISA'T ISA TUWING NAG-AAWAY
- BULGAR
- Nov 3, 2022
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 3, 2022

Madrama rin ang couple na sina Erika Poturnak at Kobe Paras, anak nina Ina Raymundo at Benjie Paras, respectively.
Sabi nga ng mga netizens ay lagi raw papansin sa social media ang dalawa.
Aba, hindi na bago sa dalawang ito ang pag-a-unfollow nila sa isa't isa sa socmed.
Matatandaang bago nag-birthday si Erika ay nag-unfollow sa isa't isa ang mag-jowa.
Pero nang sumapit ang kaarawan ni girl at binati siya ni Kobe, pareho na silang naka-follow uli sa isa't isa.
This time, muling napansin ng mga netizens na nag-unfollow na naman sa isa't isa ang dalawa sa kanilang IG account.
Espekulasyon ng kanilang mga followers, may LQ o lovers' quarrel na naman sina Erika at Kobe.
Sabagay, pareho naman silang wala pang inaamin o idine-deny kung may relasyon na nga ba sila.
Though, marami silang mga sweet and hot photos na magkasama.
Sabi nga ng mga netizens, marunong na raw makipaglaro sa showbiz ang rumored couple.
"Para silang running water…kung saan dalhin ng agos, doon sila."
Hay, ganyan talaga ang mga bagets ngayon, 'pag nagkatampuhan, unfollow sa isa't isa. 'Pag nagkabati na, follow uli!
Masanay na tayo!





Comments