Not once but 2 magkasunod na taon… ALDEN, BOX OFFICE KING ULI
- BULGAR
- 21 hours ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 28, 20255
Photo: Alden RIchards - IG
Malaking karangalan para kay Alden Richards ang muling pagtanggap ng Box Office King award mula sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF) Awards.
Back-to-back ang pagwawaging ito ng aktor dahil sa magkasunod na taon ng Box Office Award (52nd) at (53rd) ay si Alden ang itinanghal na Box Office King.
Mahirap pantayan ang record sa takilya ng pelikula nila ni Kathryn Bernardo na Hello, Love, Again (HLA), na kumita ng almost P1 billion mark sa takilya.
Nagsisilbing malaking challenge ito para kay Alden dahil tiyak na aabangan ng lahat ang susunod niyang movie project. Mataas ang magiging expectation sa kanya ng mga moviegoers.
Ganunpaman, ayaw niyang magpa-pressure. Basta ibibigay niya ang kaya niya sa mga susunod niyang pelikula.
Ang Box Office Award ay gaganapin ngayon sa RCBC Tower, Makati.
Na-link noon kay Paulo…
JEWEL, NO REGRETS NA INIWAN ANG SHOWBIZ
Balik-‘Pinas ang StarStruck 4 Ultimate Sweetheart na si Jewel Mische at mukhang plano rin niyang balikan ang kanyang acting career.
Kasal si Jewel sa American guy na si Alex Kurzer noong 2015. Nagkaroon sila ng tatlong anak na babae.
Ka-batch ni Jewel sa StarStruck 4 sina Kris Bernal, Chariz Solomon, Aljur Abrenica, atbp..
Si Paulo Avelino ang naging malapit noon kay Jewel Mische, na siyang naging tagapagtanggol niya. Pero hindi sila nagkaroon ng seryosong relasyon.
Umuwi ng ‘Pinas si Jewel upang asikasuhin ang isang negosyo sa Davao. May kinalaman ito sa gold business.
Nang mag-guest si Jewel sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), inamin niyang wala siyang regrets nang iwan niya ang showbiz at magpakasal sa isang US citizen.
Naging masaya naman daw siya bilang full-time wife and mom.
Sa kanyang pagbabalik-‘Pinas, excited si Jewel at gusto niyang magkita-kita sila ng mga dating ka-batch niya sa StarStruck 4. Pare-pareho na rin kasi silang may mga pamilya ngayon.
NAMI-MISS ng dating That’s Entertainment (TE) member na si Fredmoore delos Santos ang pag-arte. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakagawa ng pelikula at wala naman siyang exposure ngayon sa telebisyon.
Huling pelikula na ginawa ni Fredmoore ay ang Lihim ng Golden Buddha (LNGB), Angel Molave (AM), at Dirty Affair (DA).
Wish ni Fredmoore ay mabigyan siyang muli ng project sa telebisyon man o pelikula.
May Best Child Actor trophy siya mula sa FAMAS.
Well, kung buhay pa sana ngayon si Kuya Germs, tiyak na matutulungan niya si Fredmoore delos Santos sa kanyang career.
May asawa’t anak na siya ngayon kaya gusto niyang magkaroon ng regular na pagkakakitaan upang itaguyod ang kanyang pamilya.
At sana, matulungan din siya ni Coco Martin at maisama sa Batang Quiapo (BQ). Marami nang artista ang natulungan ni Coco upang magkaroon ng trabaho at kumita, lalung-lalo na ang mga walang regular show.
Pati nga si Boss Toyo, hinahanap ng aktor dahil may gusto rin siyang ibenta rito.
IKINATUTUWA ng mga fans ni Andrea Torres na may project siya ngayon sa GMA Network, ang Akusada.
Matagal ding nabakante ang aktres at hindi napapanood sa telebisyon, at marami ang nanghihinayang dahil magaling naman siyang umarte at pang-leading lady ang kanyang status.
Nagmarka ang role ni Andrea sa seryeng pinagtambalan nila noon ni Derek Ramsay, ang Better Woman (BW). Pero, nang mag-break na sila ay medyo lumamlam ang kanyang career.
Matagal na nanahimik ang aktres at nag-lie low sa kanyang showbiz career. Pero hindi pinabayaan ng GMA Network si Andrea, may inihandang serye para sa kanya.
Inaasahang makakabawi na siya sa kanyang career dahil visible na siya ulit sa telebisyon. Magbabalik ang dati niyang karisma bilang artist.
Ayon kay Andrea, may lucky charm siya kaya hindi tuluyang nawawala sa mainstream ng showbiz. Suwerte raw sa kanya ang kapatid na si Kenneth na may down syndrome at mild autism.
Sa tuwing magbi-birthday daw si Kenneth ay may blessings o suwerte na dumarating kay Andrea.
Sa ngayon, ang love life ni Andrea Torres ang gustong malaman ng publiko. May special someone na ba siya? May inspirasyon ba siya ngayon?
Comments