ni Beth Gelena @Bulgary| July 18, 2024
Masayang inamin ni Kylie Padilla na may karelasyon na siya.
Sa Fast Talk with Boy Abunda (FTBA) ng GMA-7, kinumpirma ni Kylie na siya ay in a relationship sa isang non-showbiz guy.
Aniya, “I am taken. When I’m with my partner, I’m normal again, I’m just Kylie.
“The best thing I love about it is may balance na ako ngayon from my work life to my personal life. In my work life, artista ako. It’s a different world, very different world.”
Wika pa niya, ang other side niya ay… “I’m the Kylie that grew up in Australia, I’m the Kylie na nanay lang ako, and, you know, I do normal nanay things.”
Dalawa ang anak ni Aljur Abrenica kay Kylie - sina Alas Joaquin at Axl Romeo.
July, 2021 nang kumpirmahin ng aktres na hiwalay na sila ng aktor. Pero pagdating sa kanilang dalawang anak, co-parenting ang setup nila.
STAR-STUDDED ang pagbabalik-teleserye ni Julia Montes via Saving Grace kasama sina Sharon Cuneta at Janice de Belen.
Ang teleserye ay isang Pinoy adaptation mula sa Japanese hit drama series na Mother.
“Congratulations to ABS-CBN on acquiring our script format Mother. We truly believe in ABS-CBN’s production capability and that the Filipino audience will love the show,” sey ni Sally Yamamoto from Nippon TV.
“Mother is truly a beautiful story and I am sure you are all going to love it. So best wishes to the cast and crew,” dagdag pa ni Yuki Akehi ng Nippon TV.
Sey nga ni Julia, “I am beyond excited for this project. Salamat po sa patuloy n’yong pagsuporta. Thank you for always trusting me, my Dreamscape Entertainment family. Sir Deo, this is for you.”
Komento naman ng mga netizens tungkol sa Megastar…
“Support na lang si Sharon.”
“Si National Artist Nora Aunor, matagal na ring side character lang, ganu’n talaga.”
“Parang Maricel Soriano sa The General’s Daughter ni Angel (Locsin)? Special participation?”
Intrigera naman ang komento ng isang ito, “Mga famous ex ni Gabby, Sharon and Janice in one project, finally!”
“Manlalamon na naman si Janice sa aktingan.”
“Sigurado namang palaban dito si Julia. Hindi papayag ‘yan na basta kabugin na lang s’ya nina Janice at Sharon.”
NAGBAHAGI ng opinyon ang King of Talk na si Boy Abunda sa pasigaw na pagho-host ni Alden Richards kamakailan sa Miss Universe Philippines (MUP).
Paliwanag ng beteranong TV host, hindi maiiwasan ang pagsigaw lalo na kapag hindi maayos ang monitors sa entablado.
Ipinaliwanag niya na may mga pagkakataon kung saan hindi naririnig ng host ang kanyang sariling boses.
Sinabi rin niya na may notion na dapat sumigaw ang host para sa mga pageant announcements.
Inamin ni Kuya Boy na hindi pa niya natuturuan si Alden, pero naniniwala siyang willing matuto ang aktor.
“Alam n’yo ‘yung criticisms kay Alden na sumisigaw, bumababa, napakahirap nu’n kasi when you’re on stage, hindi mo talaga naririnig. Lalo na kapag ang monitors are not properly placed on stage, sisigaw ka talaga.
“Plus, mayroon kang notion na that’s the way they do it. ‘Ladies and gentlemen, the top 20… Vietnam!’ ‘Di ba, may notion ka. Even as a viewer, may peg ka kung paano nila ginagawa ‘yun, plus hindi nila naririnig.”
Well, si Kuya Boy ay bihasa na sa hosting. Alam na niya kung papaano lalaruin ang pagho-host lalo na kung isang pageant event ito.
About Alden, ilang beses na ba siyang nababatikos bilang host? Alam naman ng lahat na hindi siya isang host nang pumasok sa showbiz, pero ginagawa niya ang kanyang best.
Comments