Noranians, lalong ginagalit… MATET, TODO-SIGAW NA WALA SILANG MANANG DAHIL AMPON, IAN PINALALABAS NA MASAMA
- BULGAR

- 2 days ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 24, 2026

Photo: FB Matet
Maraming Noranians ang dismayado sa mga naging pahayag ni Matet de Leon sa social media na may kinalaman sa mana nilang magkakapatid mula sa yumaong Superstar at National Artist na si Nora Aunor.
Kasabay nito ang pagpo-post ni Matet ng larawan kasama ang mga kapatid na sina Lotlot, Kiko at Kenneth na may caption na: “Ang mga ampon na walang mana.”
Sey ng mga Noranians, lalo lang daw ginagatungan ni Matet ang inis sa kanya ng mga fans ng Superstar.
Tuloy, naaawa at nakikisimpatya ang mga Noranians kay Ian de Leon. Malaki ang tiwala nila kay Ian at naniniwala silang ise-share nito sa kanyang mga kapatid kung anuman ang naiwan ng kanilang inang si Nora. Inaayos lang ngayon ni Ian ang mga papeles ng lupaing naiwan ng kanilang ina sa Iriga, Bicol.
Kaya ang payo ng mga Noranians kay Matet ay manahimik muna at huwag kuda nang kuda. ‘Wag din daw pairalin ang pagiging bipolar.
Bakit naman sina Kiko at Kenneth ay walang binabanggit tungkol sa mana? Kaya ang hamon ng mga bashers kay Matet ngayon ay panindigan niya ang kanyang pahayag na hindi siya interesado sa mamanahin kay Nora Aunor.
Kahit pinadadalhan ng pagkain ng mag-asawa…
MOMMY DIVINE, MATIGAS PA RIN KINA SARAH AT MATTEO
LABIS na ikinatuwa ng mga fans ni Sarah Geronimo ang pagkikita nila ng kanyang Daddy Delfin sa isang event. Kitang-kita ang saya at pananabik ni Sarah G. dahil matagal silang hindi nagkita o nagkausap ng kanyang Daddy Delfin.
Wish ng marami na sa susunod, ang pagkikita at pagbabati naman nina Sarah at Mommy Divine Geronimo ang kanilang masaksihan.
Limang taon na ang lumipas simula nang magpakasal sina Sarah at Matteo Guidicelli. Hanggang ngayon ay hindi pa nila nakakamit ang kapatawaran ni Mommy Divine.
Nagdaan ang maraming okasyon sa kanilang buhay na hindi nakuhang lumambot ang puso nito. Limang Pasko na hindi nagkita-kita si Sarah at ang kanyang pamilya.
Pero sa kabila ng lahat ay nanatiling mapagkumbaba sina Sarah at Matteo upang mapatawad sila. Nagpapadala sila ng mga prutas at pagkain kay Mommy Divine, pero nananatiling matigas ang loob nito.
Ngayon ay abala sina Sarah at Matteo sa kanilang mga negosyo. Thankful naman si Sarah na kahit wala siyang shows, concerts at pelikula ay patuloy pa rin ang pagdating sa kanya ng mga malalaking endorsements. Patuloy pa ring nakasuporta ang kanyang mga fans.
Grabeeee, arya lang nang arya…
BEAUTY QUEEN-ACTRESS, SOBRANG SELOSA AT CLINGY KAYA INIWAN NG GUWAPONG AKTOR
BLIND ITEM:
SELOSA at masyadong possessive ang beauty queen-actress kaya marami ang nagsasabing hindi rin tatagal ang relasyon nila ng chickboy na aktor.
Ayon na rin sa aktor na ex-boyfriend ng beauty queen-actress, napakaselosa at possessive nito kaya sila naghiwalay. Lagi raw tsine-check ng beauty queen ang cellphone ng aktor kapag nagkikita sila, at kapag may tumatawag sa aktor ay siya ang sumasagot para matiyak na hindi chicks ang tumatawag sa kanyang boyfriend.
Napaka-clingy din daw ng beauty queen-actress. Halos ayaw na niyang pauwiin ang boyfriend na aktor kapag dumadalaw sa kanya. Heavy guarding ang ginagawa sa guwapong aktor kaya pati ang showbiz career nito ay naaapektuhan.
Kaya naman, minabuti ng guwapong aktor na makipag-break na sa girlfriend na beauty queen.
Ang tanong ng mga kaibigan ng chickboy na aktor, makatagal kaya siya sa ugali ng beauty queen-actress?




Comments