Noranians, imbiyerna… MATET, IPINAGYABANG NA SI NORA ANG SUMUKO SA KANYA
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 11, 2023

Maganda nga ang nangyari na bago nag-Pasko at Bagong Taon ay nagkaayos at nagkabati na si Nora Aunor at ang anak niyang si Matet de Leon.
Pero, maraming Noranians ang hindi nagustuhan ang naging pahayag ni Matet na ang Superstar ang unang nag-chat sa kanya upang ayusin na nila ang kanilang tampuhan.
Pinalalabas ni Matet na ang kanyang Mama Guy ang unang gumawa ng hakbang at nagpakumbaba sa kanya upang sila ay magkabati.
Hindi matanggap ng mga tagahanga ni Nora Aunor ang naging pahayag ni Matet. Proud ba si Matet na malanan ng lahat na ang inang Superstar pa ang nanuyo sa kanya para lang maayos ang kanilang gap?
Kung hindi pala nagpakumbaba si La Aunor ay kayang tikisin ni Matet ang kanyang ina kahit na Pasko?
Nanay si Nora Aunor na lahat ay gagawin upang makasama lang ang kanyang mga anak sa araw ng Pasko. Hindi niya matitiis na magkakahiwalay ang kanyang mga anak at may tampuhan.
Hindi nagmalaki si Aunor kahit naturingan pa siyang Superstar at National Artist na dapat igalang.
Nanaig ang kanyang pusong ina.
Pero sana ay hindi makasanayan ni Matet na lagi na lang si Nora ang nagpapakumbaba para sa kanyang mga anak. Pagmamahal at pang-unawa ang dapat nilang ibigay kay Nora Aunor.





Comments