NORA, UNANG SUSAN ROCES CELEBRITY AWARDEE NG FAMAS
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | July 27, 2022

Sa gaganaping 70th FAMAS, dalawang malalaking karangalan ang ipagkakaloob sa one and only Superstar na si Nora Aunor.
Tatanggap siya ng Natatanging Alagad ng Sining award at siya rin ang kauna-unahang recipient ng Susan Roces Celebrity Award ng FAMAS.
Ang mismong anak ng yumaong Movie Queen na si Susan Roces na si Sen. Grace Poe ang pumili kay La Aunor.
Truly deserving naman sa nasabing pagkilala si Nora dahil mahigit limang dekada na siya sa showbiz at isa siyang premyado at respetadong aktres.
Nahirang na rin si Aunor bilang National Artist for Film.
Tiyak na magbubunyi ang mga loyal at diehard Noranians sa bagong parangal na matatanggap ni Nora Aunor mula sa FAMAS.
Well, ang good news para sa amim ay ang balitang tumigil na raw sa paninigarilyo si Ate Guy.
For health reason, dapat na ngang hindi na siya naninigarilyo. Sa edad ni Aunor ngayon, madali na siyang kapitan ng sakit. Kailangan na niyang maging health conscious at sumunod sa payo ng kanyang mga doktor.
Mahirap ang tumigil sa paninigarilyo kapag nakasanayan na nang ilang dekada. Pero, kakayanin ito ni Aunor basta determinado siyang gawin. At siguro, alang-alang sa kanyang mga anak at apo, tuluy-tuloy na ang paghinto ni Nora Aunor sa paninigarilyo upang makasama pa niya nang matagal ang mga ito.





Comments