top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

NORA, SHARON, DINGDONG, MARIAN AT ALDEN, JOIN SA MMFF 2023

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 21, 2023
  • 2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | June 21, 2023



Ang saya kung magkakatotoo ang balita na ang mga pelikula ng mga malalaking artista ang isa-sumbit sa darating na 2023 Metro Manila Film Festival. And hopefully, matanggap at makapasok ang lahat.


Nabalita na kasama raw sa 2023 MMFF ang Mananambal ni Nora Aunor, pati ang Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.


Pang-MMFF din daw ang A Mother and A Son’s Story nina Sharon Cuneta at Alden Richard, pati na rin ang Firefly nina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega at makakasama rin sa mga bida si Dingdong.


Sa ceremonial contract signing ni Piolo Pascual para sa pelikulang Mallari, nabanggit ng movie producer na si John Bryan Diamante ng Mentorque Productions na isa-submit nila for this year’s MMFF ang nasabing pelikula.


Imagine, may Sharon na, Dingdong, Marian, Alden, may Piolo at Nora pa sa mga movie entries ngayong 2023 MMFF. For sure, super happy ang mga moviegoers at sana, makapasok nga ang mga nabanggit na pelikula sa line-up.



Well, hintayin na lang natin ang iba pang film producers na sasali sa 2023 MMFF.


Hopefully, sipagin ang mga ito na magprodyus upang mas marami pang pagpilian na mapanood ang mga viewers sa sinehan.


Sabi naman nina Piolo, Producer John Bryan at Director Derick Cabrido na isa sa mga gusto nilang mangyari sa Mallari ay bumalik ang majority ng mga Pinoy na manood ng pelikula sa mga sinehan.


Actually, bumabalik na ang iba, pero hindi nga lang nasu-sustain. Bigla kasing napuputol ang interest ng mga tao na manood sa mga sinehan.


Hindi pa nagsisimula ang shooting ng Mallari at sa tanong kung kailan nila ito sisimulan, ang sagot ng casting director na si Kristina Orfiano ay, “Soon.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page