top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

NORA, PAMILYA NI IAN ANG KASAMANG NAG-NOCHE BUENA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 3, 2023
3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters! | January 3, 2023




Ang anak na si Ian de Leon at adopted son na si Kenneth ang kasama ni Nora Aunor noong bisperas ng Pasko.


Base ito sa vlog ni Ian na in-upload niya sa kanyang YouTube channel na ang titulo ay, “At last! a memorable Christmas with Mom! @noraaunorofficial950.”


Sabi pa ni Ian, “After years of being apart, finally we spent time with Mom this Christmas! A perfect and memorable time with my family to be together with her!”


Ayon sa aktor ay hindi siya gaanong nakakapag-live stream dahil abala siya sa maraming bagay.


“Christmas special po with our beloved mommy, yes nag-Noche Buena po kami sa bahay niya nu’ng December 24. Grabe, after a long time, ngayon lang ulit kami nagkasama.


“Iba-ibang emosyon ang naramdaman ko nu’n, excited, tuwang-tuwa, ang dami kong gustong sabihin, ang dami kong gustong ikuwento. Well, personally, ang dami kong gustong ikuwento kay Mommy. Gusto kong makipagkuwentuhan pero siyempre, ‘yung bagay na ‘yun ay reserved na lang for some other time kasi nandoon kami to enjoy family moments, Noche Buena style,” kuwento ng anak nina Ate Guy at Christopher de Leon.


At dahil family moments nga raw ang mga oras na iyon kaya hindi masyadong nakapag-video o nakapag-picture taking dahil mas focused daw si Ian sa intimate experience nila kasama ang mommy na si Ate Guy.


Binanggit ni Ian na kasama niya ang mga anak at asawa at si Kenneth ay kasama rin ang pamilya niya.


“Hindi namin pinalampas ang moment na ito na hindi fulfilling,” sambit pa ng aktor.


Samantala, ipinakita ni Ian ang video na kinunan niya habang nagkakasayahan ang mga apo ni Nora na isa-isa niyang binibigyan ng regalo na talagang tuwang-tuwa ang mga bata dahil mga laruan ang natanggap nila.


Sabi nga ni Ian, “Wow, hindi na kami papansinin ng mga ‘yan, Ma (Nora).”


Napakasimple ni Nora na walang make-up habang pinanonood ang mga apo na naglalaro sa mga regalong laruan.


Komedyante pala si Kenneth dahil sumasayaw-sayaw pa siya nang iabot sa kanya ang regalo ng mommy niya.


At dahil parehong walang buhok sina Ian at Kenneth kaya niloloko nila ang sarili nilang mga alien.


Ang laki ng labas ng bahay ni Ate Guy dahil ginawang extension ng sala ito para sa games at nakahiwalay din ang dining room sa living room.


Sa twelve minutes video ni Ian ay ipinakita kung gaano sila kasayang mga anak at mga apo kasama ang nag-iisang Nora Aunor.


Samantala, sobrang natuwa ang mga fans ni Nora sa video ni Ian at pinasalamatan sila ni Kenneth dahil sinamahan ang mommy nila sa pagsalubong ng Pasko.


Ito ang ilan sa mga nabasa naming komento…


Mula kay @Melchor Lagartija, “Ang saya ng pamilya ni Ate Guy. Thank you, Ian and Kenneth for making your mom so happy.”


Napaiyak naman si @Merly Alcala, “I cry inside when I saw how you embrace your mommy.


Tama lang, Ian, habang nandiyan pa si Mommy mo, ‘yung maipadama n’yo ‘yung kahalagahan niya sa inyong buhay, hindi man ako ‘yung niyakap, dama ko ‘yung pagmamahal at pagpapahalaga mo sa mommy mo. You’re too much good, Ian, Merry Christmas and God bless you always.”


Say ni @MARIMAR, “I believe na pagpapalain at lalawig ang buhay n’yong magkapatid, Ian and Kenneth, dahil sa respect and love sa parents n’yo.”


Walang iwanan naman ang sabi ni @BABE HAARLEM, “Kahit ano’ng mangyari, walang iwanan. Nandito lang kaming mga fans na laging sumusubaybay sa inyo. Thanks for being a good son, both Ian and Kenneth, salamat.”


Masaya si @Yoly Ejanda dahil sa pagbibigay ng update ni Ian sa mga fans ng mommy niya.


“Thank you so much for sharing this intimate moment with us NORANIANS. Nakakataba ng puso.


We love the holy family and your family so deeply. You completed the joy of my Christmas.”


Gayun din si @Kloekleo Enri, “Super happy ako ‘pag nakita kita, Ate Guy, na masaya at kasama ang mga anak. God be with you always. Noranianakoforever!”


Si @anamy fe jakosalem, “Thank you Ian & Kenneth sa pagmamahal n’yo kay Mama Guy! God bless you all & stay safe! Merry Christmas & Happy New Year!”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page