Nora, after gawing National Artist… NORANIANS, JOIN SA THANKSGIVING CELEB NI P-DU30
ni Nitz Miralles - @Bida | June 23, 2022

Dadalo ang ilang Noranians sa gaganaping thanksgiving celebration para kay President Rodrigo Duterte sa Sunday, June 26, 1 PM sa Quirino Grandstand sa Luneta.
Tinawag na Salamat PRRD ang event to be hosted by Bayani Agbayani at Mariel Rodriguez, ito'y bilang pasasalamat kay President Duterte at sa mga nagawa nito sa anim na taon na pamumuno sa bansa.
Darating ang ilang Noranians bilang pasasalamat kay PRRD sa pagkakadeklara kay Nora Aunor na National Artist. May sariling banner at t-shirts ang Team Noranians na nakasulat ang “Salamat PRRD The Best President” at “Pagpupugay kay Nora Aunor National Artist for Film & Broadcast Arts."
Kung wala sigurong sakit si Guy, darating din siya sa Quirino Grandstand para makisaya dahil maraming celebrities ang darating para personal na magpasalamat kay PRRD at mag-perform.
Hindi nga nakapunta sa Malacañang Palace si Guy noong conferment ng mga napiling National Artist dahil nasa ospital siya, kaya ang mga anak niya ang tumanggap ng parangal para sa kanya.
Nabasa pala namin sa Instagram ni Lotlot de Leon ang pasasalamat ng fan ni Nora sa pag-aalaga niya sa kanyang ina. Nabalita kasing inalagaan ni Lotlot si Guy sa ospital at nagkaayos na ang mag-ina, kaya doble ang saya ng mga Noranians. Isa na lang ang kanilang ipinagdarasal at ito ay ang paggaling ni Nora sa kanyang sakit.
Samantala, kumpirmadong darating sa event sa Sunday si PRRD para makisaya at magpasalamat sa kanyang mga supporters na ang iba, galing pa sa probinsiya. Baka raw kasi last public appearance na ito ni PRRD bilang presidente ng bansa at ayaw ma-miss ng kanyang mga supporters ang chance na makita siya.





Comments