top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Noon, sina Kim, Maja at Bea, ngayon si Julia… GERALD, TUWING ABS-CBN BALL, IBA ANG KA-DATE

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 4, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 04, 2023


Malinaw na wala pang balak si Gerald Anderson na pakasalan si Julia Barretto base sa kanyang naging kasagutan sa entertainment press nang tanungin tungkol sa kasal.


Marami na kasi ang nag-aabang kung kailan nila ia-announce sa publiko ang kanilang pagpapakasal.


Sa edad at estado ng buhay ngayon ni Gerald ay masasabing ready na siya to settle down. Pero, hindi nga ganito ang plano ng actor para sa kanila ng nobyang si Julia.


Sagot ni Gerald sa mga Marites na reporters ay “Marami pang problema sa mundo ngayon” kaya hindi nila prayoridad ni Julia ang magpakasal.


Maging si Julia, malayo sa plano niya ang magpakasal. Focused siya sa kanyang career at may goal na gustong abutin.


Sa ginanap na ABS-CBN Ball, sabay silang naglakad sa red carpet. Naalala tuloy ng mga fans na noong mga naunang red carpet ng ABS-CBN Ball ay sina Kim Chiu, Maja Salvador at Bea Alonzo ang mga ka-date ni Gerald.


Ang tanong, si Julia pa rin kaya ang maging ka-date ni Gerald sa ABS-CBN Ball next year?

‘Yan ang abangan!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page