Non-showbiz daw ang ama ng baby… RITA, UMAMING 'DI MATANGGAP NA BUNTIS NA
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 2, 2022

Bagama’t proud na ipinagsigawan ni Rita Daniela sa buong mundo ang kanyang pagdadalantao, nananatili siyang tahimik sa identity ng ama ng dinadala.
Sa interview ni Nelson Canlas for 24-Oras, inamin ng dalaga na non-showbiz ang boyfriend na siyang ama ng kanyang magiging first baby.
"The relationship was also private. I am a private person. People close to me know that.
“Ako as Rita, I believe not everything dapat malaman ng tao about us,” pahayag ng aktres.
Ayon pa kay Rita, choice na rin niya na ‘wag isapubliko ang kanilang relasyon ng BF.
“It’s my decision not to share anything about us, about him to everyone because he’s not a showbiz personality. He’s a private person and our relationship has always been private,” aniya.
Samantala, ibinahagi rin ng Kapuso actress ang mga pagbabago sa kanyang buhay ngayong malapit na siyang maging ina.
"I'm very, very excited and happy because this is a new chapter in my life na hindi siya mapapalitan ng kahit ano, hindi siya matutumbasan ng kahit ano. Excited to be a mom kasi ever since I was a kid, dream ko to be a mom,” sey niya.
"Dalawang beses na akong nag-portray ng nanay, na sobrang laki pa ng tiyan ko. Dati, iniisip ko pa, ganito ba talaga kapag nanay? Ngayon, nae-experience ko na 'yung ipino-portray ko na dati,” sabi pa ng aktres.
Emotionally and physically ay ramdam na ramdam na raw niya ang mga pagbabago na dulot ng kanyang pagbubuntis.
"'Yung emotional side, dahil sa hormones, ramdam na ramdam ko na siya, tapos 'yung pagbabago sa physical. I've always been on the bigger side. Mas nararamdaman ko 'yung balakang ko, at mas lumalaki siya. Sumasakit 'yung likod ko. Napansin ko rin, hinihingal ako, kahit kumakain ako, hinihingal ako. Nu'ng una, hindi ko pa matanggap,” aniya.
"Noong una, ipinush ko pa talaga, ayaw kong maging tamad na buntis, eh, kaya sabi ko, hindi 'yan. Kaso 'pag ipinush ko, bumibigay 'yung katawan ko. Talagang pagod na pagod ako, hindi ako makabangon, hindi ako makalakad, kasi masakit (ang) paa ko. Totoo pala siya, you really have to take extra care."
Samantala, naging positibo ang pagtanggap ng mga tao especially ng kanyang mga fans sa kanyang pagbubuntis and for that, very thankful ang aktres.
“Thank you so much kasi lagi silang nandiyan, ramdam ko 'yung mga totoong fans na hindi humihingi ng kapalit, na masaya man ako, malungkot man ako, may pagsubok man sa buhay ko, lagi lang silang nandiyan para sa akin, nakasuporta.
"Ang sarap sa feeling na magkaroon ng ganoon na walang kapalit and ever since, 'yun ang ipinaparamdam sa akin ng mga supporters ko and I'm very grateful talaga," pagtatapos ni Rita.





Comments