Noble Promise nanalo sa 3-YO
- BULGAR
- Aug 5, 2023
- 1 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | August 05, 2023
Hinangaan ng mga karerista ang ipinakitang husay ni Noble Promise sa karerahan matapos nitong manalo sa 2023 PHILRACOM 3-Year-Old & Above Maiden Race na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, noong Miyerkules ng gabi.
Ginabayan ni jockey JML Siego, nirehistro ni Noble Promise ang 1:14.6 minuto sa 1,200 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Leonardo Javier Jr. ang P20,000 added prize.
Umarangkada sa largahan si Noble Promise para hawakan agad ang unahan habang nakasunod sa kanya si Lightning Lass.
Pagdating sa far turn ay nasa unahan at pangalawang puwesto pa rin si Noble Promise at Lightning Lass ayon sa pagkakasunod habang nasa tersero ang Regal.
Walang nakaungos sa winning horse sa unahan at pagsapit ng rektahan ay alam na ng mga karerista na mananalo si Noble Promise.
Tinawid ni Noble Promise ang finish line ng may pitong kabayong agwat sa pumangalawang si Regal.
Pangatlo sa Cat's Whiskers habang pumang-apat si Lightning Lass sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).
Samantala, nasiyahan ang mga karerista noong Miyerkules ng gabi dahil walong races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI).





Comments