top of page
BIDA - ANGEL, NI-LIKE ANG PAG-UNFOLLOW DAW SA KANYA NI MARIEL AT KAY ANNE SA IG-FB Angel L

No show sa unveiling ng wax figure ng aktres… MAYOR MARK, AYAW NANG MASABIHANG LAGING NAKABUNTOT KAY KATHRYN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 20, 2026



TEKA NGA - MAYOR MARK, AYAW NANG MASABIHANG LAGING NAKABUNTOT KAY KATHRYN-IG _markalcala10 & _bernardokath

Photo: IG _markalcala10 & _bernardokath



Dahil patuloy siyang bina-bash at ginagawan ng isyu dahil kay Kathryn Bernardo, mukhang umiiwas at ayaw nang sumama ni Mayor Mark Alcala sa mga showbiz events. 


Marami ang naghanap kay Mayor Mark sa unveiling ng Madame Tussauds wax figure ni Kathryn Bernardo sa Glorietta, Makati kamakailan. Inaasahan ng mga fans, maging ng mga vloggers at media, na sasamahan niya ang aktres.


Pero umiwas na si Mayor Mark upang wala nang masabi ang kanyang mga kababayan sa Lucena City. Inaakusahan kasi siyang lagi na lang nakabuntot kay Kathryn. Napapabayaan na raw nito ang kanyang trabaho bilang public servant. 


Tinawag pa si Mayor Mark na ‘user’ at ginagamit lang daw si Kathryn para sa kanyang political career.


Pero pinatunayan naman niya na hindi ang kasikatan ni Kathryn ang habol niya sa aktres. May ilang nagsasabi na sila na ang susunod na magpapakasal pagkatapos nina Bea Alonzo at Vincent Co. Kailangan lang munang tapusin ni Kath ang kanyang mga showbiz commitments na tinanggap. 


Busy pa rin naman si Mayor Mark sa kanyang political career.





Kaya na-postpone, ini-resched sa December…

BENTAHAN NG TIKET SA CONCERT NI JILLIAN, MAHINA RAW



MAY pagbabago sa naka-schedule na concert ng Kapuso Princess na si Jillian Ward sa New Frontier Theater. Dapat ay ngayong katapusan ng July ito, pero na-reset na sa December 8. 


Ayon sa producer ng concert, paghahandaan daw nila ito nang husto upang maging bongga at masulit ang ibabayad ng mga manonood.


May ilang netizens naman ang nang-iintriga at nag-comment na baka mahina ang ticket sales ng concert ni Jillian kaya ito na-postpone. 


Well, maliit lang naman ang New Frontier Theater, hindi tulad ng Araneta Coliseum. Sa dami ng mga fans at supporters ni Jillian, kayang-kaya niyang punuin ang New Frontier Theater. 


At suportado ng GMA Network ang concert, makakakuha pa sila ng mga sponsors.

Well, all-out naman ang effort na ibibigay ni Jillian sa kanyang first-ever concert.


For the meantime, payo ng mga nagmamalasakit sa aktres ay tumanggap muna siya ng TV guestings upang mayroon siyang pinagkakaabalahan. Dapat ay manatili siyang visible sa telebisyon at sa mga mall shows para ‘di siya makalimutan.





IKINASAL na pala si Joshua Dionisio sa kanyang non-showbiz longtime GF na si Ally Yu. 

Si Joshua ay dating ka-love team ni Barbie Forteza noong nag-uumpisa pa lang sila sa GMA-7. Pero hindi nagtuluy-tuloy ang kanilang love team dahil pansamantala siyang nagpahinga sa showbiz at nagdesisyong magpatuloy sa kanyang pag-aaral.


Nang makatapos na sa kolehiyo, bumalik si Joshua sa Kapuso Network. 


Dahil dito, nabuhayan ng loob ang kanilang mga fans at nag-wish silang magkatrabaho muli sina Barbie at Joshua sa isang reunion project. 


Pero masyadong naging abala ang schedule ng aktres kaya hindi na sila nagkaroon ng pagkakataong magsamang muli sa isang show.


At ngayon nga ay nagpakasal na si Joshua, at tiyak na magiging prayoridad na niya ang kanyang pamilya. 


Well, siguro ay hindi talaga pang-showbiz ang aktor. Maaaring may iba siyang kapalaran.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page