No show sa campaign ng rally ni Kiko… SHARON, SUKA NANG SUKA, INAATAKE NG HILO
- BULGAR

- Apr 10
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | Apr. 10, 2025
Photo: Sharon Cuneta - Instagram
Humingi ng paumanhin si Sharon Cuneta sa mga taong nasa campaign rally ng asawang si Kiko Pangilinan dahil hindi siya nakasama.
Ang dahilan ng Megastar ay masama ang kanyang pakiramdam, nahihilo at nagsusuka.
Ibinahagi rin niyang despite her condition, she flew to be with KC but continued feeling sick and later had to rest at home and undergo medical tests.
Sharon reassured fans that she is recovering and explained her absence out of respect and gratitude for those who attended the rally.
Aniya, “I am so sorry po sa lahat ng dumalo sa rally ni Kiko sa Bulacan kahapon dahil hindi po ako nakapunta when talaga pong reading-ready na po sana kami.
“Ang totoo po, nagkasakit po ako ng ‘di ko pa po dinanas sa buong buhay ko. April 7 po sosorpresahin ko si KC sa paborito naming resort para sa birthday n’ya.
“Bago po ako umalis, ‘di ko po alam bakit bigla pong humilab ng grabe ang sikmura ko at duwal po ako ng duwal. Kahit po ganu’n lumipad pa rin ako para makasama ang anak ko ng isang gabi man lang dahil naka-schedule nga po kami sa Bulacan the next day.”
Patuloy pa niya, “Pagdating ko po kay KC, masaya kami tapos nagulat ako duwal na naman po. Kaya ‘di na po ako nakakain sa birthday dinner niya kundi nakahiga na lang po ako sa room naming dalawa.
“Tuloy pa rin po ang duwal. Next day lipad kami pauwi nang umaga. Plane pa lang po, heto na naman. Pag-uwing-pag-uwi ko, diretso na naman sa banyo.”
Despite planning to go to the hospital, Sharon waited for test results at home:
“Nagpa-reserve na kami ng room sa St. Luke’s pero nagpakuha na po ako ng dugo sa bahay at hinintay ko ang results. Nakapagtataka naman po at salamat sa Diyos normal lahat. Pero nilunod na po ako ng Pocari Sweat at Erceflora. ‘Di pa po ako bumabangon ng matagal since yesterday na pinahiga at ipina-rest na po ako.
“‘Di na po ako pinapunta sa hospital para mag-suwero dahil nga po pinaiinom na ako. ‘Di pa po ako nagduduwal mula noong humiga ako kahapon. Pero natatakot po ako tumayo ng matagal dahil du’n po ako biglang inaatake ng hilo. Lugaw at saging lang po ang kinakain ko mula kahapon at ngayong umaga.
“Please pray for me. But I don’t want you to worry dahil mukhang dehydrated lang po ako at sobra po akong stressed this whole past week kaya nagkaganito.
“Ini-explain ko lang po dahil hiyang-hiya po ako sa inyong nagpuntang Bulacan kahapon. Siyempre nag-alala si Kiko pag-uwi ko at nalaman niya. Sabi nya mas importante naman po ang health ko. Pero pasensiya na po talaga. Hindi na po sana ako nagkuwento at nagpaliwanag kundi po ako soring-sorry. Maraming salamat po. Love you all.”
Shawie, sa haba ng explanation mo, tiyak na naiintindihan ka ng mga tao.
Magbabalik sa ere ang longest drama anthology ng ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya (MMK) sa April 24.
Ito ang ibinalita ng host ng MMK na si Ms. Charo Santos sa ABS-CBN Ball 2025 na ginanap last April 4.
“The limited series of Maalaala Mo Kaya will be back on the 24th on iWantTFC. And after 48 hours, it will be shown on A2Z and Kapamilya Online (Live) and Kapamilya Channel,” lahad ng TV host.
“After two years, Maalaala Mo Kaya is back, and it will share the beautiful stories of our letter senders, of our Kapamilyas,” pakli niya.
Aniya, “In my heart, I knew that one day babalik s’ya (MMK). Because the loyal viewers and the new generation of viewers are looking forward to watching the true-to-life stories of our Kapamilyas.
“Ang daming Gen Z na lumaki na nanonood ng MMK kasama ang kanilang mommies and daddies, lolas and lolos. I'm so happy that they know MMK is a brand of good storytelling.”
Balita pa ni Ma'm Charo, ilan sa mga unang life story na ipapalabas sa MMK ay kay Sofronio Vasquez (gagampanan ni Elijah Canlas) at sa BINI.
Kasama pa rin si Ms. Charo sa FPJ's Batang Quiapo (BQ) bilang si Tindeng at may movie pa rin siyang ginagawa, ang Only We Know (OWW) with Dingdong Dantes.
Her last movie was Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather Is Fine) with Daniel Padilla.
“Why not, ‘di ba? There’s no such thing as retirement. For as long as we’re breathing, there’s something to learn, something to look forward to. And I’m really having fun,” pakli niya.
Ang MMK ay magpi-premiere sa iWantTFC on April 24, followed by A2Z, Kapamilya Online Live, and Kapamilya Channel on April 26.










Comments