No show dahil nasa Italy… SHARON, SHOCKED NA NOMINADONG BEST ACTRESS SA 72ND FAMAS
- BULGAR

- May 24, 2024
- 1 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 24, 2024

Na-shock si Sharon Cuneta sa pagkaka-nominate niya bilang Best Actress sa 72nd FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) Awards Night.
Nominado ang Megastar para sa Metro Manila Film Festival 2023 movie niya na Family of Two na pinagbidahan nila ni Alden Richards.
Ipinost ni Shawie ang screenshot ng imbitasyon na kanyang natanggap mula sa FAMAS para sa awarding ceremony na gaganapin sa May 26 sa Manila Hotel.
Sey ni Shawie sa kanyang caption ay nagulat siya sa nominasyon at ipinahayag ang kasiyahan.
“Oh my gulay!!! Just got this from Direk Nuel @directfromnen and I got gulat!” simula ni Mega.
‘Yun nga lang, mukhang hindi makakadalo si Sharon dahil nasa Italy siya.
“Oh nooooo I'll still be in Italy!!! WHYYYYYYYYYYY…!!!” aniya.
Masayang nagpasalamat si Mega sa oldest award-giving body sa Pilipinas.
“Thank you po so much, FAMAS AWARDS. Napakalaking honor po nito! Praise God!!!” aniya.
Inihandog din niya ang kanyang rekognisyon sa kanyang mga fans.
“This is for all you my beloved SHARONIANS / SHARMY!!! I LOVE YOU!!! Such a blessing and a gift while am so far away!!!” pagtatapos ni Sharon.





Comments