No regrets… ALDEN, NAGING RICH NANG MAS PINILI ANG CAREER KESA KAY JULIE ANNE
- BULGAR
- Feb 1, 2023
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Febuary 1, 2023

Hindi kagustuhan ni Alden Richards na saktan ang damdamin ni Julie Anne San Jose nang maudlot ang kanilang relasyon. Naipit lang siya sa sitwasyon dahil 'yun ang panahon na tumataas na ang kanyang popularidad nang magtambal sila ni Maine Mendoza.
Phenomenal ang pagsikat ng AlDub love team na inidolo ng libu-libong fans at walang nagawa si Alden kundi sumunod na lang sa kagustuhan ng mga fans nila ni Maine.
Sobrang lakas ng suporta ng mga tagahanga sa AlDub love team. Mula Aparri hanggang Jolo at maging abroad ay sikat na sikat sila.
Dahil dito, bumuhos ang kanilang mga product endorsements. Nagkaroon din sila ng mga pelikula at TV shows. Halos wala nang pahinga si Alden noon at walang panahon para sa kanyang sarili.
Feeling nga raw niya ay nawalan na siya ng identity at sumusunod na lang sa agos ng kanyang showbiz career.
Dumating siya sa puntong na-burn-out na sa sunud-sunod na projects na kanyang ginagawa. At nagkaroon pa ng isyu nang mismong si Maine na ang umamin at nagbunyag na si Arjo Atayde ang kanyang tunay na boyfriend at pang-showbiz lang ang love team nila ni Alden Richards.
Well, ang kasikatang tinatamasa ni Alden ay nagbigay sa kanya ng magandang oportunidad kaya siya kumita nang malaki at nakapag-invest sa mga properties at negosyo.
Naging financially stable siya na ang naging kapalit ay ang pagsasakripisyo niya sa mga taong minahal niya. Nanaig ang kagustuhan ni Alden na bigyan ng maginhawang buhay ang kanyang pamilya.
Siguro naman, ngayong maayos na ang katayuan ng kanyang pamilya ay puwede nang magkaroon ng love life si Alden, tutal naman ay buwag na ang AlDub.





Comments