ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 23, 2024
![Showbiz News](https://static.wixstatic.com/media/910a87_c5456b6ee61a4ba695eb25b1f86e44da~mv2.png/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_85,enc_auto/910a87_c5456b6ee61a4ba695eb25b1f86e44da~mv2.png)
Mismong si Pauleen Luna ang nagsabing last baby na niya si Baby Mochi at hindi na siya ulit magbubuntis pa.
Walang ibinigay na dahilan si Pauleen kung bakit, ayaw lang daw niyang sundan pa si Baby Mochi.
Dalawang babae ang anak nila ni Bossing Vic Sotto, kaya akala ng marami ay gusto pa niya na magkaroon sila ng baby boy.
Pero para kay Pauleen ay quota na siya sa dalawang anak upang mabigyan niya ng panahon at atensiyon ang pag-aalaga at dito sila nagkaiba ni Kristine Hermosa na asawa ni Oyo Sotto.
Buntis na naman si Kristine sa kanilang baby No. 6. It seems, hiyang ang aktres sa pagkakaroon ng anak. Habang dumarami ang mga ito ay lalo namang gumaganda si Kristine.
Comments