top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

“No bakuna, no ayuda” policy, kailangan ba talaga?

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 10, 2021
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | November 10, 2021



Matapos ihayag ng gobyerno ang plano nitong ipatupad ang “no bakuna, no ayuda”, policy sa mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), umani ito ng iba’t ibang reaksiyon at opinyon mula sa taumbayan at ilang mambabatas.


Gayunman, paliwanag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III, hindi nagkulang sa pagpapaliwanag ang gobyerno hinggil sa kahalagahan ng pagbabakuna. Ngunit kung hindi ito uubra, may iba pang plano ang DILG at rekomendasyon nito, amiyendahan ang batas hinggil sa vaccination program. Sa halip na voluntary, gawin na umano itong mandatory.


Samantala, pinag-iisipan pa rin ng DILG kung pananagutin ang mga lokal na opisyal sa mga rehiyon na mabagal ang pagbabakuna.


Habang tutol ang ilang benepisaryo, ganundin ang ng ilang mambabatas. Giit ng isang senador, sa halip na parusahan, dapat umanong bigyan ng gobyerno ng insentibo ang mga tao na nais magpabakuna dahil hindi umano solusyon ang pagtanggal ng ayuda.


Kung tutuusin, masyado pang hilaw ang polisiyang ito dahil alam naman natin na ang vaccination rate ay nakabatay sa dami ng suplay at tiwala ng mga tao sa brand ng bakuna.


Marahil, ang iba ay napangungunahan ng takot o kaya naman ay napaniwala sa fake news, kaya mahaba-habang pangungumbinsi at paliwanag pa bago pumayag na magpabakuna. Kasabay nito, labanan ang fake news at takot sa bakuna.


Sa ngayon, layunin nating mabakunahan ang target population, kaya sana lang ay ito ang tutukan natin, gayundin ang iba pang mga programa kontra COVID-19.


Tandaan na virus ang kalaban natin dito at hindi ang tao.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page