No. 1 sa box office pero… MOVIE NI VICE, BOKYA SA MMFF AWARDS NIGHT
ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 29, 2022

Controversial na naman ang resulta ng nakaraang Metro Manila Film Festival 2022 Awards Night na ginanap sa New Frontier Theater last Tuesday night.
Kung humakot kasi ng awards ang mga pelikula nina Nadine Lustre at Ian Veneracion-Heaven Peralejo-Mon Confiado na Deleter at Nanahimik ang Gabi respectively, bokya naman (as in zero!) ang pelikula nina Vice Ganda at Ivana Alawi na Partners in Crime.
Naturingang No. 1 ito sa box office (meaning, marami ang nanood), pero walang nakuhang award kahit na Best Float man lang.
But I'm sure, ang katwiran nina Vice at Ivana, keber ba nilang inisnab sila ng MMFF, basta kumita ang kanilang pelikula nang limpak-limpak! Paaaak!
Samantala, aminin man o hindi ni Toni (dahil 'Unbothered Queen' nga ang tawag sa kanya, 'di ba?), tiyak na na-pressure siya sa ibinigay na title sa kanya ni Direk Paul Soriano na "Most Powerful Celebrity" ngayon sa showbiz, dahil heto na nga, may ipinambala na naman ang mga bashers niya laban sa kanya.
Bukod nga kasi sa hindi pumasok sa Top 3 ranking (unofficial) ang My Teacher nila ni Joey de Leon, nag-iisang Gender Sensitivity award ang napanalunan ng pelikula ni Toni.
But well, come to think of it, 'yan naman din siguro ang puwedeng isagot ng pamunuan ng MMFF sa mga kumukuwestiyon sa naging desisyon nila at sinasabing 'napulitika' na naman ang resulta ng winners.
Based kasi sa trending na conversations sa Twitter, lumulutang na ang pagiging 'identified Pinklawan' ni Vice Ganda at ng cast ng Family Matters ang sinisilip na dahilan kaya inisnab diumano sila ng pamunuan ng MMFF.
Pero bakit nga si Toni Gonzaga na inaanak pa ni P-BBM at markadong Marcos loyalist, iisa lang din naman ang nakuhang award sa MMFF 2022?
So, sa mga umaapela, malamang ang sabihin na lang ng MMFF committee ay "Umapela kayo sa barangay!"
Paaaak!





Comments