top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

No. 1 daw sa MMFF, pero… MOVIE NI VICE, TINANGGAL NA SA ILANG SINEHAN, KAY NADINE, DINAGDAGAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 4, 2023
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 4, 2023



Takang-taka kami kung bakit biglang nawala na ang Partners in Crime movie nina Vice Ganda at Ivana Alawi nu'ng New Year's Day (January 1) sa SM Fairview gayung nu'ng mismong Christmas Day, sabi sa amin ng tiketera ay No. 1 na naman ang MMFF entry ni Vice.


Nu'ng nag-check kami ng schedule ng screening sa SM Fairview sa Click The City app, 3 sinehan ang ino-occupy ng Deleter ni Nadine Lustre.


Mukhang malaki ang naging tulong ng paghahakot ng awards ng Deleter sa MMFF Gabi ng Parangal dahil naging interesado ang marami kung bakit ang daming napanalunang awards ng movie ni Nadine.


Kahit nga ang aming mudra na hindi naman mahilig manood ng sine ay na-curious kaya nag-watch talaga siya ng Deleter nu'ng New Year's Day. But sad to say, mukhang hindi na-appreciate ng aming mother dear ang movie ni Nadine dahil ang feedback nito sa amin, natulog lang sila sa sinehan ng mga kasama niya.


Naku po!!!


Anyway, nag-check din kami ng movie screening schedule sa ibang cinemas at talagang mas marami ang inilalaang sinehan sa pelikula ni Nadine Lustre.


May nakapag-chika sa amin na beshies daw kasi si Boss Vic del Rosario ng Viva Films at ang may-ari ng SM Cinemas. How true naman kaya?


Well, wish lang namin, 'wag namang tanggalin ang iba pang MMFF movies sa mga sinehan hangga't 'di pa natatapos ang MMFF dahil kahit kami, gusto naming makumpletong panoorin ang lahat ng entries ngayong taon.

Jace Roque, humataw sa Spotify, 3 kanta pasok!




Magandang pamasko para sa singer-songwriter na si Jace Roque na galing sa showbiz clan ang paghataw ng tatlo niyang kanta sa Spotify bago magtapos ang taong 2022.


Nakatsikahan namin si Jace bago magtapos ang 2022 at ibinalita niya sa amin na ang Tagalog comeback single niyang ‘Di Para Sa 'Yo na ni-release nu'ng April 22 ay nag-gain ng 1 million views sa Facebook, while his English comeback single Be Someone na ini-release nu'ng May 20 ay nag-#25 on iTunes Philippines and gained 1 million views on Facebook.


Ang Trust song naman niya na released last August 12 ay nag-gain ng 1 million views on Facebook, habang ang Back To The Beginning na ini-release nu'ng October 14 ay nag-#45 on iTunes Philippines and gained 1 million views on Facebook.


At heto ngang December, Jace was featured on the cover of Spotify’s Fresh Finds Philippines Best of 2022. The year-end Top 50 included Back To The Beginning, Trust and Be Someone taking the number 2, 3 and 12 spots, respectively.


Ang lahat ng mga kantang ito ay kasama sa kanyang Inferno album na next year ay magkakaroon na ng kasunod na album.


He is also one of the nominees for People’s Voice Favorite Male Artist in the 35th Awit Awards and Pop New Male Artist of the Year in the 7th PPOP Awards.


Kaya naman tuwang-tuwa si Jace sa bilis ng takbo ng kanyang singing career at dito raw muna niya gustong mag-focus ngayong year 2023.


Although, handa rin naman daw siya kung sakaling magkaroon ng offer para siya ay umarte.


Very game naman daw siya kahit sa mga BL series na usung-uso ngayon, 'wag lang daw 'yung all-out nudity dahil 'di niya kaya ang ganu'n.


Naniniwala si Jace na maraming paraan para sumikat at makilala ang kanyang mga kanta at hindi niya kailangang maghubad o gumawa ng mga ilegal na bagay para lang magkaroon ng career sa showbiz.


And eto na nga, unti-unti na niyang nakakamit ang kanyang mga pangarap!

Congrats, Jace!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page