top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

No. 1 baraha pakay ng Celtics, Pelicans umaasa sa Playoffs

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 1, 2023
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | April 01, 2023




Pagbawi ng numero unong kartada pa rin ang layunin ng Boston Celtics sa huling 10 araw ng NBA at tinulungan ang sarili sa 140-99 tambakan sa numero unong Milwaukee Bucks kahapon sa Fiserv Forum. Lumiit sa dalawang laro na lang ang hahabulin ng Celtics (53-24) sa Bucks (55-22).


Kontrolado ng bisitang Boston ang laro matapos ang first quarter, 34-26, sa likod ng 17 puntos ni Jaylen Brown. Tuluyang gumuho ang Milwaukee at humataw palayo ang Celtics sa halftime, 75-47, salamat sa 15 puntos ni Jayson Tatum.


Umabot pa ng 128-79 ang pagitan na may 6:47 na nalalabi at naglalaro na ang mga reserba. Walang nakapigil kay Tatum na nagbagsak ng kabuuang 40 puntos at Brown na may 30 puntos at hindi na naglaro ang “The Jays” sa buong 4th quarter.


Sa kasamaang palad, tatlong beses lang magkikita ang Boston at Milwaukee kaya magdarasal na ang Celtics na matalo ang Bucks habang dapat walisin nila ang huling limang laro. Wagi ang Celtics sa unang laro noong Araw ng Pasko, 139-118, subalit nakabawi ang Bucks sa pangalawang laro noong Araw ng mga Puso, 131-125.


Samantala, ginulat ng bisitang New Orleans Pelicans ang Denver Nuggets, 107-88 at pagbutihin ang kanilang pag-asa na makapasok sa Playoffs at iwasan ang Play-In Tournament. Malaking dagok sa Denver ang pagliban ni MVP Nikola Jokic dahil masakit ang binti at ang 88 ang pinakaunting puntos nila ngayong torneo.


Triple double si Brandon Ingram na 31 puntos, 11 rebound at 10 assist. Sumunod sina CJ McCollum na may 23 at Jonas Valanciunas na may 15 puntos at 12 rebound.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page