Niyaya ng Kapamilya actor na magsama sila… ALDEN, MAY KONDISYON BAGO PUMAYAG KAY COCO
ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 7, 2023

Sandali rin naming nakapanayam ang bida ng Batang Quiapo na si Coco Martin sa ginanap na mediacon last Thursday.
Tinanong namin ang Primetime King ng Kapamilya Network kung posible ba silang magsama ng Kapuso actor-Pambansang Bae na si Alden Richards sa isang pelikula dahil as we all know, may ginagawa ring movie ngayon sina Alden at Julia Montes (ang 'rumored' girlfriend ni Coco).
Sagot sa amin ni Coco, "Ay, gusto ko siyang makatrabaho. Mabait 'yun."

When asked kung nakarating na ba sa kanya ang balitang plano nga raw silang pagsamahin sa isang movie project, ani Coco, "Wala pa naman. Actually, dati tinext ko siya.
Sabi ko sa kanya nu'ng meron pa akong IG, minessage ko siya. Sabi ko, sana magkatrabaho kami."
Ano'ng sagot ni Alden?
"Oo, sabi niya, sana drama," pagkumpirma ni Coco.
Oh, wow! Tagisan ng galing sa akting 'yan, ha?!
Sige nga, i-push na 'yan at mukhang interesting ang back-to-back ng Kapamilya at Kapuso stars na 'to, ha?





Comments