Ninong at ninang, buking… BOX NG GIFT NINA COCO AT JULIA SA ANAK NINA MCCOY AT ELISSE, PAREHO
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 2, 2022
Kasama pala sa mga ninong at ninang ng baby nina McCoy de Leon at Elisse Joson sina Coco Martin at Julia Montes.
Na-reveal ito sa Instagram Stories ni Elisse nang mag-upload siya ng photo ng separate gift nina Julia and Coco with matching card.
“To our inaanak Felize, welcome to the Christian World. May God protect you always and know that you are one lucky baby to have your parents,” ang mababasa sa card ni Julia.
Ang nakakaintriga, parehung-pareho ng box ang regalo nina Julia and Coco although magkaiba naman ng message sa card.
“To our inaanak Felize, welcome to the Christian world. Ngayon pa lang, marami na nagmamahal sa 'yo,” ang nakalagay sa card ni Coco.
Take note na pareho ang opening nila na “to our inaanak Felize.”
Naganap ang binyag ni Baby Felize last Feb. 27.
Sina Elisse at McCoy ay matatandaang naging parte ng FPJ’s Ang Probinsyano.





Comments