Ninang sina Alex at Nikki... ANAK NINA LUIS AT JESSY NA SI BABY PEANUT, NABINYAGAN NA!
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | April 26, 2023

Nabinyagan na ang panganay na anak nina Luis Manzano at Jessy Mendiola na si Isabella Rose Manzano noong April 23 base sa mga lumabas na larawan sa social media.
Ibinahagi ni Alex Gonzaga na isa sa mga tumayong ninang ni Baby Peanut (isa pang tawag kay Isabella Rose) ang ilang mga larawan and videos ng naganap na binyagan. Sa video ay makikitang tinawag niyang kumare at kumpare sina Jessy and Luis.
Maging ang kaibigan ni Luis na si Nikki Gil na isa rin sa mga ninang ni Baby Peanut ay nag-post din sa IG ng litrato ng pamilya Manzano kalakip ang kandila na ginamit sa binyag na may nakasulat na "Ninang Nikki".

Sey ng singer sa caption, "Binyag thingzzz. Love you Rosie! And your mama and papa too.”
Meanwhile, wala pang pormal na announcement or pahayag sina Jessy and Luis tungkol sa ginanap na binyagan ng kanilang first baby.





Comments