top of page

Ninang, magbabawas daw ng gamit… BILLY, HUMIRIT NG LUXURY BAG KAY SHARON PARA SA BUNTIS NA SI COLEEN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 21
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | July 21, 2025



Image: Billy at Coleen - Instagram


‘Kaaliw ang comment ni Martin Nievera na, “Can I have some of your bags then, Hahaha!” sa in-announce ni Sharon Cuneta na, “I have decided to downsize my life and get rid of things I no longer use (or have Never used!). 


“Ititinda ko na lang ang ilang damit, bags, at gamit ko para mag negosyo. ‘Pag napaikot ko ang kikitain ko sa negosyo, mas kikita, mas maraming puwedeng matulungan ay magbabawas na ako ng gamit na wala nang silbi!”


Pati si Billy Crawford, may hirit kay Sharon na, “Uhmmmmm… ninang kahit konting bag sa buntis kong wife would do. Miss you and you look great Ninang!”


Si Noel Ferrer naman, tinanong si Sharon kung kasama sa ibebenta niya ang collection niya ng mga books at nakakatuwa ang sagot ni Mega na, “‘Yun ang pinakamahirap ko i-let go! Mauna na mga Hermes!”


Marami na ang excited kung kailan ang super Mega Garage sale ni Sharon at ang iba ay nag-iipon na dahil sigurado silang marami silang mabibili sa mga ibebenta ng aktres. Ang iba, bibili dahil gustong magkaroon ng souvenir galing kay Sharon, bags man, damit o iba pang gamit nito.


Hinihintay na lang ng mga fans kung kailan ang garage sale ng preloved stuff ni Sharon at susugod na sila. Ang iba nga, in-specify pa kung ano ang gusto nilang bilhin at may nagbanggit ng Hermes, LV bags, Gucci jacket, sweatshirt, at may mga gustong makabili ng books.


Samantala, nagpunta sina Sharon at mga anak na sina Frankie, Miel, at Miguel sa Marawi City bilang pasasalamat sa suporta nina Gov. and Mayor Adiong sa kandidatura ni Sen. Kiko Pangilinan. First time raw nakabisita sa Marawi ang mga anak at first time ng magkapatid na magsuot ng hijabs.



BIRTHDAY ni Barbie Forteza sa July 31, pero parang wala siyang birthday celebration, ayon na rin sa kanyang Instagram (IG) post.


“I LOOOOVE WORKING and I’m having such a great time!!! But I’m low-key missing my life. Running before the sun’s out, trying out a new sport, attending my pilates class, getting all giddy reading romance novels and exploring cafes I see on Tiktok, Hahahaha!!! 


“Looking forward to have time to do these things again, no birthday for this girl this year, I guess. Tara, work!”


Hindi papayag ang mga fans ni Barbie na hindi i-celebrate ang 28th birthday ng aktres, tiyak na may pa-birthday sila sa aktres. In fact, ang Barbienatics ang nag-organisa ng birthday celebration niya kasama ang mga bata sa Child Haus Foundation – isang haven na nag-aalaga sa mga batang may cancer.


Inaabangan din ng mga fans ang magiging birthday greetings nina David Licauco na ka-love team ni Barbie, Jameson Blake na running buddy ng aktres at Jak Roberto na ex ni Barbie.


Ang birthday ni Barbie ay the day after ng opening ng movie niyang P77.

Working birthday nga dahil busy siya sa cinema tour, pag-attend sa block screening at tuloy sa pagpo-promote ng horror movie. May Beauty Empire (BE) pa si Barbie at parang hindi pa tapos ang taping. Busy nga ang calendar ni birthday girl, kaya wala munang party.


Kasama rin pala siya sa Global Youth Summit 2025 na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena (MOA) sa July 28 para sa SDG 5: Gender Equality. Magsasalita si Barbie Forteza tungkol sa topic na Turning Influence into Impact.

Bongga, ‘di ba?



DOMINIC, IPINU-PUSH NANG MAGPAKASAL


SABAY na sinalubong ng magdyowang Sue Ramirez at Dominic Roque ang kanilang parehong birthday noong madaling-araw ng July 20. Nakakatuwa na sa halip na cake, pizza ang sinindihan nila ng birthday candles.


Marami ang bumati sa dalawa at pansin ang wish kina Sue at Dominic na sila na ang endgame at magpakasal na raw sila and start a family. 


Cute ang pagiging pala-desisyon ng mga fans, paano kung may iba pa silang plano at gustong gawin sa buhay?


Napansin namin na ang daming fans ng DominSue at kita ito sa number ng engagement tuwing may post sila. 


Wala bang producer na makakaisip na sila ay pagtambalin? 


Paniguradong susuportahan ng mga fans ‘yan, mapa-TV project man o pelikula.


Bakit nga kaya walang producer na makaisip na pagtambalin sina Dominic at Sue? Nand’yan na ang mga fans, nand’yan ang chemistry, project na lang ang kulang. O, baka ayaw na talagang umarte ni Dominic Roque?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page