NINA, NAKA-JACKPOT NA SA MISTER NA BUSINESSMAN, NAGING MAYOR PA
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | May 17, 2022

Nabalo pala ang mayor ng Bayambang, Pangasinan, ang dating PBB Teen Edition housemate na si Niña Jose.
Pinalitan niya ang kanyang mister na businessman na si Cezar Quiambao na tatlong terms na naging mayor ng Bayambang, Pangasinan.
Napakasipag na First Lady ni Niña Jose noong mayor pa ang kanyang mister. Sumasama siya sa pag-iikot at sa mga charity projects ng asawa. Kaya, minahal din siya ng mga residente ng Bayambang.
Kaya naman, hindi na naging mahirap ang kanyang pangangampanya nang tumakbo siyang mayor ng Bayambang nitong nakaraang eleksiyon.
Marami sa mga nakasama ni Niña Jose sa PBB Teen Edition 2006 ang natutuwa sa naging suwerte niya. Bukod sa mabait at rich ang kanyang napangasawang si Cezar Quiambao, nagkaroon pa siya ng career sa pulitika.
Napabuti ang buhay ni Niña Jose kahit tinalikuran na niya ang buhay-showbiz.





Comments