Nilalangaw ang sinovac, habang dagsa naman sa astrazeneca at pfizer
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 22, 2021
ONLI IN DA ‘PINAS LANG ANG MANGYAYARI NA HINDI ALAM NG MAMAMAYAN ANG BRAND NG BAKUNANG ITUTUROK SA KANILA—Pinutakti na naman ng batikos ang Duterte gov’t. sa bago nilang direktiba sa mga LGUs na isikreto o huwag ianunsiyo sa mamamayan ang brand ng bakunang ituturok sa kanila.
Batikos talaga ang aabutin ng Duterte gov’t. kasi onli in da ‘Pinas lang ‘yan, na hindi alam ng mga Pinoy kung anong klaseng bakuna ang ituturok sa kanila, boom!
◘◘◘
LINYA NG SINOVAC, NILALANGAW HABANG DAGSA NAMAN SA ASTRAZENECA AT PFIZER—Kaya nagpalabas ng direktibang i-‘secret’ sa mamamayan ang brand ng bakunang ituturok sa kanila ay dahil nilalangaw o mabibilang sa daliri ang mga pumipila ng made in China na Sinovac.
Pero sa linya ng AstraZeneca na made in Europe at Pfizer na made in Amerika, talagang siksikan at ang haba ng pila, period!
◘◘◘
BAKA KAYA AYAW NG MAJORITY PINOYS NG SINOVAC DAHIL AYAW MASABING MAY UTANG NA LOOB SILA SA CHINA—Ang Sinovac, AstraZeneca at Pfizer, maging ang Sputnik na gawang Russia ay aprubado ng FDA (Foods and Drugs Administration), na ibig sabihin ay ligtas at walang dulot na panganib sa tao ang mga bakunang ‘yan.
Siguro, kaya ayaw ng majority Pinoys na magpaturok ng Sinovac ay dahil ayaw nilang masabing may utang na loob sila sa China.
Sabi ni P-Duterte na kaya ayaw niyang “makipag-away” sa China sa pananakop nito sa mga teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) ay dahil malaki raw ang utang na loob ng mga Pilipino sa China dahil sa donasyon nitong 1 milyong bakunang Sinovac, boom!
◘◘◘
BAGONG ‘PANG-U-UNGGOY’ ANG STATEMENT NI HARRY ROQUE—May panibagong “pang-u-unggoy” sa mamamayan ang Malacañang at ito ay ang statement ni Presidential spokesman Harry Roque na walang maiiwan at walang iwanan sa vaccination program ng pamahalaan para matiyak na ligtas sa COVID-19 ang lahat ng mga Pilipino.
Kaya nating nasabing “pang-u-unggoy” ang statement ni Roque ay dahil sa ibinulgar ni veteran journalist Mon Tulfo, na last November 2020 ay libu-libong gov’t. officials, kasama ang mga sundalo ng PSG (Presidential Security Group) ang naunang nagpaturok na ng smuggled Sinopharm vaccines, na ibig sabihin, sa panahong ‘yan ay naiwang “nganga” ang mamamayan sa bakunahan, period!





Comments