top of page
Search
BULGAR

Nilalakad nang maging endorser ang anak… KRIS, PATI SI JOSHUA, GUSTONG IPASOK SA SHOWBIZ

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 31, 2024



Hindi lang pala si Bimby ang gusto ni Kris Aquino na pumasok sa showbiz kundi pati ang panganay niyang si Joshua. Nilalakad ngayon ni Kris para maging model-endorser ng Bench sina Bimby at Joshua at 'yun muna ang kanilang magiging exposure. 


Kaibigan naman ni Kris ang may-ari ng Bench na si Ben Chan kaya tiyak na mapagbibigyan ang kanyang kahilingan. 


Ikatutuwa ni Kristeta sakaling makita niyang nasa billboard ng Bench sina Bimby at Joshua. Malaking factor ito upang gumaan ang kanyang pakiramdam sa mga sakit na pinagdaraanan niya.


At magiging madali na rin kay Kris ang paglalambing sa mga movie producers upang bigyan ng project sina Bimby at Joshua, kahit siguro sa comedy shows muna ilagay ang magkapatid para mahasa sa pag-arte. 


Dati namang nag-aartista si Bimby noong bata pa katambal ni Ryzza Mae Dizon.

 

0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page