Ni hindi masabi ang name niya… PANELO, 'DI MA-FEEL NA SINCERE SI SHARON SA PAGSO-SORRY

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | March 27, 2022

Kung marami ang dismayado kay Megastar Sharon Cuneta sa ginawa nitong panlalait kay senatorial candidate Salvador Panelo dahil sa pagkanta ng hit song niyang Sana'y Wala Nang Wakas sa isang campaign rally, may ilang netizens naman ang sumasaludo kay Shawie sa ginawa niyang pagpapakumbaba nang aminin na mali siya.
Recently ay nag-post si Mega ng isang pagkahaba-habang explanation kung bakit niya nagawa ang pagpatol sa dating presidential spokesman na si Sal Panelo.
Ipinaliwanag ni Sharon ang kanyang side pero hindi niya binanggit ang pangalan ni Panelo. Basta inako lang niya ang kanyang pagkakamali at nag-apologize. Hindi raw niya alam na may anak si Panelo na may down syndrome, ang yumaong si Carlo. Sa may kapansanang anak inialay ni Salvador Panelo ang kantang Sana'y Wala Nang Wakas.
Anyway, hindi nga madaling gawin na aminin ang isang pagkakamali. Hindi inakala ni Megastar Sharon na ganoon katindi ang magiging reaksiyon ng publiko sa kanyang post patungkol kay Sal Panelo.
Pero, may mga nag-comment naman na kulang sa sinseridad ang paghingi ng sorry ni Sharon dahil hindi niya binanggit ang pangalan ng senatoriable nang siya ay mag-apologize.
At sa panig ni Panelo, hindi nga raw niya ma-feel ang sincerity sa paghingi ni Shawie ng apology dahil hindi nito binanggit ang kanyang pangalan sa napakahabang post nito sa social media.





Comments