top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Ngayong okay na sila ni Heart… CHIZ, MALULUTONG NA ULI ANG HALAKHAK

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 17, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Febuary 17, 2023




Maraming kababaihan ang napapa-SANA ALL sa napaka-bonggacious na birthday gift ni Sen. Chiz Escudero sa kanyang wifey na si Heart Evangelista na nagdiwang ng kanyang 38th b-day noong Feb. 14.


Hindi lang isa kundi dalawang artworks ang iniregalo ni Sen. Chiz. Una ay ang molde ng mukha ni Heart na ginamit niya noon sa seryeng Hiram na Mukha. Pangalawa naman ay isang napakagandang oil painting ni Heart na likha ng sikat na visual artist na si Ivan Roxas.


Na-meet ni Heart ang visual artist na si Ivan Roxas noong siya ay 13 yrs. old pa lamang. Family friend siya ng mga Ongpauco. Sobrang na-amazed si Heart sa oil painting ng kanyang sarili na nakasuot ng magandang gown.


Hindi niya inaasahan na mabibili ito ni Sen. Chiz para iregalo sa kanyang 38th birthday kaya umaapaw ang kaligayahan sa kanyang puso.


Well, base sa mga larawan na ipinost ni Sen. Chiz sa social media, bakas na bakas ang kaligayahan niya at muli nang naririnig ang malulutong niyang halakhak kapag nagbibiruan sila ni Heart.


Marami pa silang pagsubok na pagdaraanan pero patuloy nilang ipaglalaban ang kanilang pagmamahalan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page