top of page

Ngayong nanay na… JENNYLYN, ATRAS NANG MAG-TOPLESS AT MAKIPAGHALIKAN SA IBA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 26
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Feb. 26, 2025



Photo: Jennylyn Mercado - IG


Ayaw sabihin ni Jennylyn Mercado kung may kissing scene ba sila ni Sam Milby sa pelikulang Everything About My Wife (EAMW).


“Kailangan nilang manood para malaman,” ani Jen sa panayam nila ng mister na si Dennis Trillo sa vlog ni Ogie Diaz.


Ang EAMW ay reunion film ng DenJen after Rosario in 2010 at ka-love triangle nila rito si Sam na nakatrabaho naman ni Jen sa pelikulang The Prenup (TP) in 2015.


Ayon kay Dennis, hindi naman niya pinagbabawalan ang misis na si Jennylyn Mercado sa mga intimate scenes or kissing scenes sa ibang aktor.  


“Wala naman, walang naglilimita lalo na sa trabaho,” sey ng aktor.  


“S’yempre, artista kami pareho. Naiintindihan namin ‘yung mga ginagawa ng isa’t isa. Wala namang personalan du’n. Kung inire-require naman ng eksena gawin ‘yun, siyempre, ‘pag maselan, pinag-uusapan naming mag-asawa bago gawin,” paliwanag ni Dennis.


Pero sey ni Jen, siya na raw mismo ang nagbigay ng limitasyon sa sarili dahil nga may asawa na raw siya at dalawang anak.  


“Saka ‘yung script, nakukuha namin agad. ‘Pag nabasa namin, parang ‘di na ako ‘to.’ Parang dati kaya ko pa ‘to, pero ngayon, parang ‘di ko na yata kayang mag-topless,” sey ng aktres.


Showing na sa mga sinehan ang EAMW ngayong Feb. 26 mula sa direksiyon ni Real S. Florido hatid ng CreaZion Studios at GMA Pictures, kasama ang Glimmer Studio.



TINUTUKAN ng sambayanang Pilipino ang maaksiyong episode ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ) noong Biyernes (Pebrero 21), kung saan nagtala ito ng mahigit 12 milyong total views sa YouTube (YT) sa loob lamang ng dalawang araw. Record-breaking din ang episode dahil mahigit isang milyong Pilipino ang sabay-sabay na nanood sa Kapamilya Online Live sa YT na may 1,004,554 all-time high peak concurrent viewers.


Ito ang unang beses na umabot sa isang milyon ang sabay-sabay na tumutok sa serye sa pamamagitan ng naturang livestream. Ito rin ang ika-apat na magkakasunod na gabi kung saan nagtala ang serye ng lampas 800,000 live concurrent viewers.


Sa nasabing episode, pinuri ng mga viewers ang umaatikabong ratratan kung saan walang humpay ang maaaksiyong engkuwentro ng mga karakter nina McCoy De Leon, John Estrada, Christopher De Leon, at Coco Martin.


Ipinakita rin dito ang matagal nang inabangan na muling paghaharap ng mortal na magkaaway na sina Tanggol at Ramon (Coco at Christopher de Leon), kung saan isiniwalat na sa kanila ang pasabog na rebelasyon na sila ang tunay na mag-ama.


Patok na patok sa mga netizens ang makapigil-hiningang episode kung saan iba’t ibang reaction videos ang ibinahagi nila sa social media.


Sa mga susunod na episodes ng BQ, lalong titindi ang banggaan ng mga magkaaway dahil magsasanib-puwersa na sina Tanggol at Ramon para sa nakatakdang mas malaking bakbakan. 


Napapanood ang BQ na hango sa orihinal na kuwento ng Regal Films gabi-gabi, 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live. Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YT.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page