Ngayong naka-2 yrs. na… VICE, ARAW-ARAW IPINAGPE-PRAY NA TUMAGAL PA SILANG MAGKASAMA NI ION
- BULGAR

- Nov 28, 2020
- 1 min read
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | November 28, 2020

Siyempre naman, sino pa ba ang unang babati sa kaarawan ni Ion Perez kundi ang karelasyon niyang si Vice Ganda?
Singtamis ng kanyang pagmamahal sa boypren ang kanyang mensahe kay Ion na nagdiwang ng birthday kahapon, November 27.
Ipinost ng It's Showtime host sa kanyang Instagram account ang buong-puso niyang mensahe para kay Ion.
"'Di ko alam kung ano'ng caption ang ilalagay ko. Gusto kong mag-isip ng bonggang mga salita. Pero hindi, eh. Nu'ng dumating ka, naging pinakamaganda kung ano 'yung pinakasimple. Kung ano 'yung totoo, 'yun ang maganda. Kung ano 'yung sinsero, 'yun ang maganda. Kaya 'di ko na aartehan," sey ni Vice.
"Happy birthday Benigno!!! Araw-araw magdadasal ako kay Lord na alagaan at ingatan ka Niya. Na ipahintulot Niyang maging matiwasay ka sa lahat ng oras. At sana, bigyan Niya pa tayo ng mahabang panahong magkasama. Kasi gusto kong makapiling ka pa. Gusto kong mapasaya pa kita. Gusto kong mahalin mo pa. Gusto kong mahalin ka pa. Dahil tuwing mahal kita, doon ako masigla at masaya. At hangga't mahal kita, 'yung mundo ko, mananatiling maganda!"
Dagdag pa ni Vice, “Happy birthday Noy!!!!! Mahal na mahal ka ni Tutoy!"
October, 2018 noong kumpirmahin ng dalawa ang kanilang relasyon sa It's Showtime sa pamamagitan ng kanilang Magpasikat performance.
Kaya't nito lang October, 2020, the two celebrated their second anniversary as a couple.
As an anniversary gift, Vice surprised Ion with a song he wrote for him titled Mahal Ako ng Mahal Ko.





Comments