Ngayong break na, gustong bawiin? KRIS, BINUSOG SI MEL SA MGA BRANDED NA REGALO
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | February 02, 2022

Nitong mga nakaraang buwan ay nakuha ni Kris Aquino ang simpatya ng publiko dahil sa kanyang mga posts sa social media na maselan ang kanyang karamdaman at kailangan siyang bumiyahe abroad para maipagamot ang kanyang mga sakit na ang tagal-tagal na ay hindi pa rin gumagaling.
Marami rin ang naawa sa kanya nang ang kanyang ex-fiancé na si dating DILG Secretary Mel Sarmiento ay bigla na lang nakipaghiwalay sa text tatlong buwan lang mula nang ito'y mag-propose ng kasal.
Maraming nanghusga kay Mel na kung kelan daw kailangang-kailangan siya ni Kris ay saka pa niya ito iniwan sa kabila ng matinding pinagdaraanan ng mommy nina Joshua at Bimby.
Hindi naman napigilan ng kahit sino si Kris nang maglabas na naman ng kanyang saloobin sa hiwalayan nila ni Mel. Maraming misteryo ng dating DILG secretary ang isa-isang natuklasan ni Kristeta.
Manggagamit daw pala ang lalaking inakala niyang knight in shining armor niya na magtatanggol sa kanya.
At dahil dismayado na nga sa kanyang ex-fiancé, may kuwentong naimbiyerna si Kris dahil binitbit lahat ni Mel ang mga branded na gamit na kanyang iniregalo rito nu'ng sila'y nagsasama pa sa condo.
Tanong tuloy ng mga netizens, 'yun bang mga gamit na iniregalo ni Kris noon sa kanyang mga unang nakarelasyon tulad nina Phillip Salvador, James Yap at Joey Marquez ay binawi rin niya o isinoli ng mga lalaking ito?
Indian giver ba si Kris Aquino na bigay-bawi?





Comments