Ngayong 40-anyos na, Yen… PAOLO, NAKAPAG-ESEP-ESEP, MAGBABAGONG-BUHAY NA RAW
- BULGAR
- Mar 18, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 18, 2023

Kasabay ng pagse-celebrate ng kanyang 40th birthday noong March 14, maraming naging realizations sa buhay ang Kapuso actor na si Paolo Contis.
Actually, wala naman siyang party at hindi rin siya naghanda o lumabas upang mag-celebrate. Sa halip, nasa bahay lang siya maghapon at dito siya nagkaroon ng time na makapag-isip-isip at magmuni-muni.
Alam ni Paolo na marami siyang kasalanan, nagawang pagkakamali sa buhay at pagkukulang sa mga taong mahal niya.
Hindi na binanggit ni Paolo ang pangalan nina Lian Paz at LJ Reyes, kung saan mayroon siyang anak. Hindi na rin nagdetalye ang boyfriend ni Yen Santos kung ano ang balak niyang gawin sa pagbabagong-buhay niya. Gayunman, desidido si Paolo Contis sa kanyang pagbabagong gagawin.
Samantala, marami ring gustong gawin o baguhin si Paolo sa kanyang career. Gusto niyang subukan ang pagdidirek ng pelikula at mag-host ng sariling talk show gaya na lang ng podcast niyang Just In.
Isa rin daw ang kanyang manager na si Lolit Solis na gusto niyang ilagay sa hot seat para sa one-on-one interview.





Comments