top of page

Ngayon pa lang daw sinisiraan na… SEN. ROBIN, ‘DI TATAKBO SA MAS MATAAS NA POSISYON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 18
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 18, 2025



Sen. Robin Padilla - FB

Photo: Sen. Robin Padilla - FB



Para sa aktres na si Nadia Montenegro, politically motivated at isang demolition job ang pag-aakusa sa kanya ngayon na diumano’y gumagamit ng marijuana sa loob ng restroom sa Senado. Pero sa ganitong isyu, dapat ay may matibay na ebidensiya at CCTV footage upang mapatunayan.


Dating may cancer si Nadia at kamakailan lang ay gumaling at naka-recover. Makakasama sa kanyang kalusugan ang paggamit ng droga. 


Ganunpaman, minabuti ng opisina ni Sen. Robin Padilla na bigyan ng leave sa trabaho si Nadia habang iniimbestigahan pa ang kaso. Hindi nag-resign si Nadia bilang staff ng senador.


Ayon sa mga supporters ni Sen. Robin, bahagi ng demolition job laban sa senador ang mga akusasyon kay Nadia. Nauna nang maraming alegasyon ang ibinabato kay Sen. Robin na wala raw naisusulong na batas sa Senado at ni hindi siya nagiging bahagi ng mga debate at pagtalakay sa mga isyu.


Samantala, sa isang interview ay sinabi ni Sen. Robin na wala siyang balak tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2026 elections. Tatapusin lang daw niya ang kanyang termino bilang senador at tutulong sa kandidatura nina Vice President Sara Duterte at Sen. Imee Marcos kung saan siya ang tatayong campaign manager.


Dagdag pa ni Sen. Robin, hindi dapat ma-insecure sa kanya ang ibang pulitiko dahil babalik na siya sa kanyang mundo, ang showbiz at hindi na muling sasabak sa pulitika. 


Marami ring taga-showbiz ang nagpapasalamat sa kanya dahil sa tulong na ibinigay niya sa mga maliliit na manggagawa sa industriya ng pelikula.


NAPAKA-CUTE, smart at bibung-bibo si Baby Peanut, anak nina Jessy Mendiola at Luis Manzano. Kuhang-kuha nito ang mga features ng kanyang Mommy Jessy, kaya naman tuwang-tuwa ang Star for All Seasons at Batangas governor na si Vilma Santos sa kanyang artistahing apo.


Pangarap daw ni Gov. Vi na magkasama sila ni Baby Peanut sa isang commercial, maaari ring kasama nila si Mommy Jessy. Kahit saang anggulo tingnan, maganda si Baby Peanut at namana pa nito ang kulut-kulot na buhok ni Gov. Vilma.


Ayon sa aming nalaman, noon pa ay may offers na kay Baby Peanut para gumawa ng commercial para sa ilang baby products. Pero ayaw pa nina Jessy at Luis na ma-expose nang husto ang kanilang anak. 


Gayunpaman, kung may mag-offer na pagsamahin sina Gov. Vilma at Baby Peanut sa isang commercial, tiyak na mahihirapang tumutol sina Jessy Mendiola at Luis Manzano.



Ikinukumpara kay Pia…

HEART, MAS NAGIGING IN DEMAND BILANG ENDORSER


EKIS na sa buhay ni Heart Evangelista ang kanyang dating glam team na lumipat kay Pia Wurtzbach. Hindi na ito pinag-aksayahan ng panahon ni Heart matapos siyang iwanan ng mga taong ilang taon din niyang itinuring na malapit sa kanya.


Para maalis ang bigat sa dibdib, tinanggal na ni Heart ang galit at tampo, ayaw na niya ng negativity sa kanyang buhay. 


Maging ang gap at kompetisyon nila ni Pia Wurtzbach ay tinuldukan na rin niya, hindi na niya papatulan ang pagkukumpara sa kanila ng 2015 Miss Universe.


Walang dahilan upang ma-insecure si Heart kapag pareho silang nasa fashion events ni Pia. Nararamdaman niya ang importansiyang ibinibigay sa kanya sa New York, Paris at Milan. 


Well, paalis na naman si Heart para dumalo sa Milan Fashion Week.


Napatunayan ni Heart Evangelista na sa pag-alis ng negative thoughts, pumapasok naman ang magagandang blessings. Malalaki ang bago niyang endorsements ngayon, mas tumataas ang premium ng kanyang career at lalo siyang nagiging in demand bilang endorser.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page