Ngayon lang inamin in public… ALICE, 2 NA ANG ANAK PERO PAREHONG ‘DI GALING SA KANYA
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | May 16, 2022

Nang lumabas sa social media ang post ni Alice Dixson na kasama ang isa niyang anak na dalaga na, marami ang nagtaka-nagtanong kung sino kaya ang tatay nito na ayon kay Alice ay sobrang protective kaya hindi niya agad nailantad sa publiko ang tungkol sa panganay niyang anak na babae.
Ilang kaibigan ni Alice naman ang nagsabing madrasta si Dixson at hindi siya ang biological mom ng nasabing pretty young lady. Anak daw ito sa ibang babae ng karelasyon ngayon ni Alice.
Iba rin ang nanay ni Baby Aura kung saan IVF ang naging proseso at hindi siya ang nagbuntis sa bagets.
Well, masyadong malihim si Alice Dixson pagdating sa kanyang personal na buhay. Ayaw niyang pinag-uusapan ng lahat ang kanyang private life. Hindi siya gaanong nagse-share ng mga ganap sa kanyang buhay-pag-ibig. Kaya, marami ang nagulat sa kanyang mga rebelasyon ngayon sa social media.
Nagtatanong naman ang mga fans ni Alice kung bakit pumayag siyang maging kontrabida sa seryeng First Lady ganu’ng pambida naman ang kanyang kategorya?
Nasanay na rin ang lahat sa kanyang sweet and wholesome image bilang artista.
Samantala, consistent naman ang pagpalo ng mataas na ratings ng seryeng First Lady lalo na’t nagkaroon ng twist ang istorya nito.
Nang maaksidente si PGA (Gabby Concepcion), si Melody (Sanya Lopez) ang isinabak ng partido ni PGA upang pumalit na maging kandidato sa pagka-pangulo at makakalaban ni Sen. Alegra (Isabel Rivas).
Si Atty. Inggrid Domingo (Alice Dixson) ang naging adviser-campaign manager ni Sen. Alegra at gagawa sila ng demolition campaign laban kay Yaya Melody!
Magtagumpay naman kaya sila sa kanilang maitim na balak?





Comments