Next daw sa tsinuging show nina Piolo at Maja…

LOL NINA BILLY, BAYANI, ETC., PAPALITAN NG IT'S SHOWTIME SA TV5
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 27, 2021

Usap-usapang sa pagkawala ng Sunday Noontime Live ay susunod na rin daw ang Lunch Out Loud nina Billy Crawford, KC Montero, Bayani Agbayani, Alex Gonzaga, Wacky Kiray at K Brosas.
May lumabas kasing teaser sa TV5 na “Balikan ang mga best of Lunch Out Loud episodes ngayong Sabado kasama ang pamilya LOL!
“I-share na ang inyong favorite episodes gamit ang official hashtag #BalitangLOL”
Isang netizen ang nag-react, “Ayyy, tatanggalin na rin ba ang LOL kaya may pa-best episodes na ang show???”
“Oo nga, bakit ganito?” sabi naman ng isang commenter.
Nag-reply ang isa sa mga hosts ng LOL na si KC, “We’re taping as you tweet.”
Pang-aasar ng netizen, “Lunch Out Loud (LOL) inalis. Tagal. Tsugi na. It’s Showtime sa TV5? Season ender! Karma!”
Sagot uli ni KC, “Nope… we’re doing just fine. Back to normal on Monday.”
Isa pang komento na pinalagan pa rin ni KC, “Next month, kayo na papalit sa timeslot ng LOL. LUNCH OUT LOUD, nalugi na si Congressman Benitez. See you next month @It’sShowtimeNa sa TV5.”
“Nope,” ang palag ni KC.
Ayon sa isang netizen, hindi siya naniniwala sa sinabi ni KC.
“I don’t believe you KC, just like the tactics you did sa muph.”
May nagsasabi namang, “Bad news if it's true. LUNCH Out Loud is way better than the trash It's Showtime.”
Na-offend ang isang It’s Showtime fanatic.
“Call it trash all you want, but remember, may pera sa "basura". Haha! Antay ka na lang, susunod na 'yan sa SNL.”
Bumabaha pa rin ang sagutan ng mga netizens hinggil sa LOL at It’s Showtime na pawang gusto naman nilang panoorin.





Comments