Never say die sa Hollywood… LIZA, BABU NA SA 'PINAS, SA TATE NA TITIRA
ni Nitz Miralles @Bida | January 17, 2023

Sa paggu-guest ni Liza Soberano sa YouTube channel ng Fil-Am makeup artist na si Patrick Starr, nabanggit ng aktres na lilipat na siya sa Los Angeles, California. Sa LA na raw siya maninirahan at maganda ang kanyang rason.
Sabi nito, mas maganda kung malapit siya para sa mga face-to-face meeting at mas madali sa kanya kung nasa LA siya.
“I’ve never really officially announced that I’m moving to LA. But that’s just because it is much easier to build my career if I am out here because they're always looking for in-person meetings and it’s just hard to book the job when you’re meeting people over Zoom. They can’t really tell what your personality is like and they can’t see what you actually look like.”
Sa nasabi ring guesting, binanggit ni Liza na gusto niyang maging world-class actress at ito ang kanyang goal sa paglipat sa LA. Kaya ang mga fans ni Liza na umaasang babalik siya sa Pilipinas at dito na uli ipagpapatuloy ang kanyang career ay tanggapin na lang na ang maging global artist ang goal ni Liza.
Bumabalik naman siya sa bansa at nasa bansa nga para sa Wavy Baby Music Festival na ginawa sa Cebu na produced ng Careless Arts and Entertainment na management company niya ngayon. Hindi nag-perform si Liza, nag-promote lang.





Comments