top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Never pinabayaan nu'ng pandemic… SARAH AT MATTEO, MAY PA-GROCERY SA MGA TAUHAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 23, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | July 23, 2022




Marami ang pumupuri sa magandang trato at pakikisama ng showbiz couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa kanilang mga tauhan sa kanilang farm sa Laguna.


Kahit noong panahon ng pandemya ay hindi iniwan ng mga ito ang kanilang mga trabaho at pinagmalasakitan ang farm nina Sarah at Matteo.


Kaya bilang pasasalamat ay nag-treat ng grocery shopping sina Sarah at Matteo para sa kanilang mga tauhan.


Labis itong ikinatuwa ng kanilang mga trabahador dahil malaking tulong sa kanilang pamilya ang groceries na kaloob sa kanila ng mag-asawang Sarah at Matteo.


Samantala, maraming fans ni Matteo Guidicelli ang natuwa nang mapanood siya sa programang TLOL. Wala si Billy Crawford sa show kaya si Matteo ang pansamantalang pumalit kasama ang mga dating hosts ng TLOL.


Mabait at marunong makisama si Matteo Guidicelli kaya madaling nakasundo ng ibang hosts ng TLOL.


Well, kung tutuusin, sanay na rin naman si Matteo sa pagho-host. Kung kukunin siya at magiging regular host ng TLOL!, dagdag-star value siya sa show. For sure, kakayanin naman ni Matteo kahit daily hosting ang ibigay sa kanya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page