Never nang babalikan, ayaw ding maka-work… CARLA, SISING-SISI NA NAGPAKASAL KAY TOM
ni Nitz Miralles @Bida | February 6, 2023

Tinuldukan na ni Carla Abellana ang chance na magkakabalikan pa sila ni Tom Rodriguez sa pagsalang niya sa lie detector test sa YouTube Channel ni Bea Alonzo.
Nabanggit pa nga nito na nagsisi siya na nagpakasal siya kay Tom.
“I am honest enough to say I have regrets,” sagot ni Carla.
May nabanggit pa si Carla na red flags na nakita niya, bagay na hindi niya pinansin.
“Yes” din ang sagot nito at umaming nagsisisi na binalewala ang red flags na ‘yun.
Nabanggit din ni Carla na hindi na sila nagkita at nagkausap ni Tom pagkatapos nilang maghiwalay.
“No, we never spoke. Plus, not long after (the breakup) din kasi, umalis siya. He is actually currently in the U.S. since then.”
Ang last time raw nilang nagkita ay nang magdesisyon silang maghiwalay na.
Open si Carla na magkausap sila ni Tom, “Ever, oo naman. But anytime soon, no.”
Sa tanong kung open siyang makatrabaho uli si Tom, “Ayoko sana, but then honestly, paano ‘pag biglang sinabi, ‘di ba, ng GMA? But personally, ayoko pero... really, I don’t want to work with him.”





Comments